PARANG ayaw na ni Aerra na harapin muli ang ama. Lalo na nang anyayahan nito si Delgado sa dinner. Hindi niya tuloy alam ang puwedeng idahilan. Ayaw niyang makita ang binata ngunit may parte naman sa pagkatao niya ang parang excited na makita ito.
Kung tutuusin, mapagkakatiwalaan naman si Delgado. Ni hindi naman siya nito pinagsamantalahan noong tumira siya sa bahay nito. Mapang-asar, antipatiko at medyo bastos nga ito, but deep inside her.. She loves his every shades. Parang fifty shades pero hindi gray.. Kundi green. Napaka-green kasi ng utak nito lalo na kapag kaharap siya. Pakiramdam niya ay lagi nitong hinuhubaran siya ng tingin o kaya'y biglang dadaluhungin saka yayakapin ng mahigpit. Intense.
"Ba't ka namumula?"
Napaangat siya ng tingin nang magsalita si Delgado. s**t! Baka isipin pa nito na pinagpapantasyahan niya ito.
Hindi nga ba, Aerra?
"Com'on, Sebastian, 'di ba?" paninigurado ng kanyang ama sa pangalan nito. Inaya nitong maupo ang binata nang makapasok na si Delgado.
"Seb na lang po, Tito." Presko pero confident. Iniisip tuloy niya na sana hindi ito magustuhan ng ama.
Gusto niyang hilahin palayo sa ama si Delgado. Baka mabuking siya at dumulas ito. Hindi pa naman niya ito pinagsabihan sa plano niyang pagsisinungaling. Hindi na nga pala plano dahil nagawa na niyang magsinungaling. Nagpatong na naman si Aerra nang panibagong kasinungalingan.
Kung magagawa lang sana ng binata na tahiin ang mga kasinungalingan niya ay mainam. Ang masaklap ay baka ito pa ang magpahamak sa kanya.
"Good evening po, Tito. Salamat po sa imbitasyon," magalang na sabi nito. Sarap na sarap talaga siyang tsinelasin ito, napakagaling magpanggap. Mukhang hindi nga siya mabubuking.
Nasa harapan na sila ng dining table. Siya, katabi sa upuan si Delgado, habang ang ama ay nasa kabilang dulo ng hapag.
Dumadagundong sa kaba ang dibdib ni Aerra, kapag kumanta si Delgado paniguradong katapusan na niya.
Siya ang unang kumuha ng kanin saka pinasahan muna ang ama. Nang makakuha ay ipinasa na nito kay Delgado. Ang huli naman ang kumuha ng ulam at pinasa sa kanyang ama hanggang mapunta sa kanya.
"Let's pray first," umpisa ng kanyang ama na magkasalikop na ang dalawang palad.
After the prayer. Nagsimula ng mag-imbestiga ang kanyang ama.
"So, how long have you been known my daughter?"
Sinipa muna niya ang binti nito bago makasagot ito ng hindi maganda.
"Ouch!" sabi lang nito na palihim siyang tiningnan saka tumingin sa kanyang ama. "Not too long, Tito."
"Since, alam mo na ang lihim namin ng anak ko.. Ano ang makukuha kong kasiguraduhan na mananatili paring lihim ang pagkatao ni Aerra?" diretsang tanong ng ama.
"Tito.. Hindi ako tsismoso. And since we are talking about your daughter, her safety is probably my priority. Hindi ko ho alam ang napag-usapan n'yo pero isa lang ang masasabi ko. Kaya ko rin siyang protektahan gaya ng ginagawa n'yo." Very well said! Gusto tuloy niyang palakpakan ito at bigyan ng trophy. But does he really mean it? Umalon ang adams apple nito at nagpatuloy. "I like her since the very first time I laid my eyes on her. After that.. Ayaw ko na siyang mawala pa sa'kin. Kaya nang bigyan n'yo ko ng imbitasyon. I am gladly happy to accept it."
"Mukhang matapang ka nga." Umirap si Aerra sa sinabi ng ama.
Kung alam lang ng kanyang ama kung gaano ito katapang na nagawa nitong magtago sa mesa habang nagpapalitan ng putok ng mga baril noon. Gusto tuloy niyang matawa sa pahayag nito. Ngunit mas pinili na lang niyang ngatain ang bicol express na niluto ng ama.
"Masyado na akong matanda para protektahan pa si Aerra. Ayaw ko ring dumating ang pagkakataong kailangan ko ng magretiro. You know what I mean. So, I needed somebody who will do my part--"
Nabitiwan ni Aerra ang kutsara na nagpakalansing sa mabasaging plato at nagpahinto sa sinasabi ng kanyang ama. "Stop it, Dad."
"Just let me finish my words, hija and continue eating."
Natahimik na lang siya, ayaw na ayaw pa naman ng kanyang ama ang kinokontra o kaya ay pinipigil sa pagsasalita.
"What is your background, Seb?"
Gusto niyang mabulunan o kaya ay ang binata ang mabulunan sa pagkakatanong ng kanyang ama. Kung alam lang nito kung anong klaseng background mayroon si Delgado. Baka sa pintuan pa lang ay napalayas na ito ng kanyang ama. Hindi tuloy alam ni Aerra kung dadasalin bang sana ay magsinungaling o magsabi ito ng totoo.
"We didn't came to a rich family. My mother died when I was young from heart attack and was announced dead on arrival. Si Dad na lang din ang naiwang nakasuporta sa'ming magkapatid." Nabigla siya sa sinabi ni Delgado at napatitig dito.
Sa kabila pala ng mga ngiti, panunukso at kapilyuhan nito ay nagtatago ang pangungulila sa isang ina lalo na sa timbre ng lungkot ng boses nito. He was totally opposite from what she was expecting. O masyado lang siyang naging judgemental.
"Ako ang bunso. Si Kuya, army ngayon while my Dad was a retired General." But the tone of his voice felt something bizarre.
"So linya n'yo pala ang pagiging alagad ng batas."
Tumango lang si Delgado at hindi na dinugtungan pa o nagdagdag ng pagpapakilala sa sarili na parang ayaw na nitong pag-usapan pa.
ALL eyes on him. Naging katapusan yata ng mundo matapos magkwento ni Sebastian. This is his other side na ngayon lang niya nakita. The other shade of Sebastian Delgado.
Inihatid na niya palabas si Sebastian.
Nahihiya man ay napilitan na siyang magpasalamat sa binata.
"Wala iyon. By the way.. Talaga bang balak mong ipagpatuloy ang pagpapanggap? May proposal sana ako sa iyo."
Bigla yatang may bikig na humarang sa lalamunan niya at nahirapan siyang magsalita. Ito na ba ang hinihintay niyang pagtatapat ng pag-ibig?
"A-ano iyon?"
"Ayaw kong manloko ng ibang tao. Lalo na ang Daddy mo. He seems nice." Naroon na naman ang timbre ng boses nitong malungkot. "Mahal ka ng Dad mo. He was actually willing to sacrifice anything for your safety. You are so lucky to have a father like him."
Napakagat labi siya sa sinabi nito. Kinukutkot na tuloy siya ng kanyang konsensiya.
"Kung papayag ka. Liligawan kita at tototohanin natin ang pagpapanggap na magkasintahan bago pa man malaman ng ama mo."
Napaangat siya ng tingin at napatitig dito. Hinahanap ang sensiridad sa mga mata nito.
"What I said before are all true. I like you, Aerra. If I need to prove it or you need time to think about it. Fine." Bahagya itong tumingkayad at hinalikan siya sa bumbunan na nagpanigas sa kanya. "Good night and I'll text you kung kailan mo ako tuturuan sa firing squad," habang papalayong sabi nito.
Nasundan na lang niya ito ng tingin hanggang makaalis na ito sa kanyang paningin. Siya naman ay nanatili paring nakatayo at tila malapit ng magyelo dahil sa ginawa ni Sebastian.
Pati nga tawag niya rito ay nababago na. Gusto na rin kaya niya si Sebastian?
Kinabukasan ay magaan ang kanyang gising. Nagawa pa ngang maglinis ni Aerra ng bahay bago pa magising ang kanyang ama. Bumalatay ang pagtataka sa mukha ng ama at talagang napapakamot-ulo pa kung ano ang nakain niya.
Inayos na niya ang hapagkainan para makapag-agahan na ito at handa ng pumasok sa Ospital. Bago pa umalis ay kinausap siya ng ama.
"Sigurado akong may kasalanan ka sa akin, Aerra. Bago ako tuluyang umalis. Just tell the truth."
Humalik lang siya sa pisngi ng ama at tinaboy ito. "Nothing, Dad. Mabait lang talaga ako today."
Pasasalamat talaga niya iyon nang payagan siya ng ama na isakatuparan ang pangarap niya. At ang pagpayag din nito sa huwad nilang relasyon ni Sebastian. Ngunit ang panliligaw sa kanya ng binata ay hindi pa niya nabibigyan ng magandang sagot. Hindi pa rin siya sigurado kung mayroon na bang puwang sa puso niya ang binata.
Ang totoo ay natatakot lang talaga siyang bigyan ito ng pagkakataon, because he already occupied some space in her heart. Kayang-kaya na nga nitong nakawin ang puso niya. She just woke up that she was fallen already with Sebastian without noticing it.
Naikwento ni Aerra sa ama ang pagtanggap niya ng kanyang unang ranggo, matapos pumasa sa misyon. Ito pa mismo ang sumama sa kanya para kunin niya ang unang ranggo ng pagka-pulis.
Nagtaka siya nang hindi ranggo ang ibinibigay ng head of police. Isang panibagong misyon at kapag nakaipasa niya ang misyon, isa na siya sa magiging Eagle Agent, a secret agent to be exact. Dahil ganoon kabilis nilang nahuli ang matagal na palang wanted ng kapulisan.
Pagbalik sa labas, si Sebastian na ang naka-abang habang nakasandal sa pinto ng sasakyan at ngiting-ngiti pa ang loko na nakamasid sa kanya. Luminga-linga siya para hanapin ang sasakyan ng ama ngunit wala n roon ang ama.
"He went off. May emergency daw sa Ospital kaya sa akin ka niya binilin."
Tumango na lang siya sa paliwanag nito.
"Here. Take it." May dinampot itong tatlong pirasong pulang rosas na nakabalot at inabot sa kanya. "So, let's go?"
Lumapit na siya at kinuha ang mga bulaklak bago pa siya makapagpasalamat ay bigla itong naglakad patungo sa isang direksyon. Akala niya ay kotse ng binata ang sinandalan nito. Hindi pala. Motor nga pala ang sasakyan nito. Bakit ba nakalimutan niya?
"Higpitan mo ng kapit, baka mahulog ka." Ngunit hindi talaga iyon ang purpose ng binata kundi ang pagyakap ni Aerra. He was longing to feel this woman in his arms somehow and someday.
She was obediently following Sebastian.