OBAG 9 Party Napa-ngiti ako habang pinagmamasdan si Cage na nakikipag inuman at harutan sa mga kaibigan niya na parang mga bata. Umupo ako sa tabi ni Tallulah na ang haba ng nguso habang naka kunot at mukhang may malalim na iniisip. Napanguso din ako at tinitigan siya. "What's your problem?" Tanong ko dito. Tila napatalon sa gulat si Tallulah sa tanong ko. Nanlaki ang mata niya at natawa. "Ate naman, nang gugulat!" Umayos ito ng upo at huminga ng malalim ng makitang seryoso ako sa tinatanong. "Si Xian Dash kase! He's annoying me for as long as I can remember pero..." Biglang lumgkot ang boses nito. "...pero bigla na lang siyang nawala. I don't know exactly where he is." Yumuko ito at pinisil ang kamay niya. Napangiti ako at tumingin sa gawi ni Cage. "Do you like him?" Natigilan si T

