OBAG 7 Friends Pag uwi namin ni Cage ay nag hapunan lang kame at dumiretso na ako sa kwarto. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Sinuot ko ang red silk robe na binigay sa akin ni Tita Maddi at itinaas ang buhok ko gamit ang twalya. Pag bukas ko ng cabinet ko ay napanganga ako nang makitang wala ni isa dito ang mga damit ko. Napapikit ako nang mariin at nag mamadaling lumabas ng kwarto. Pag bukas ko ng kwarto ay wala duon si Cage. Dumiretso ako sa closet niya at nakitang nanduon ang mga damit ko. Mabilis akong nag suot ng itim na nightgown at sinuklay ang buhok ko saka bumaba. "Manang, si Cage po?" Tanong ko. "Ah, nanduon sa roof deck-" Tumango ako. "Puntahan ko lang po." Umakyat ulit ako at dumiretso sa roof deck. Sinabi ko na ngang huwag niyang ipapalipat ang mga gamit ko sa kwarto n

