OBAG 24 Harder Kumunot ang noo ko saka rumiin ang pagkaka pikit ko sa aking mga mata nang magising ako. Napatingin ako sa paligid at nanlaki ang aking mga mata nang makitang medyo madilim na. Huminga ako nang malalim saka na upo sa duyan. Tinignan ko ang bahay sa harapan ko at wala pa ring tao dito. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon saka tumayo na. "Maraming salamat po!" sigaw ko kahit alam kong wala namang tao. Nag lakad ako pabalik sa bahay saka dumiretso sa kwarto. Mabilis lamang akong naligo saka dumiretso sa kama saka natulog. Kinabukasan ay nag handa ako ng almusal ko saka binuksan ang laptop ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang sunod sunod na mensahe ni Fleurette sa akin sa messenger. Fleurette D: Oh my God! KC! This guy is driving me nuts! KC! I did not know that my tu

