Mabilis na inilayo ni Aiden si Apple nang mapansin nito ang paglalim nang halik nito. Hinawakan niya ang magkabila nitong balikat. “What are you doing?” Hindi niya mapigilan na itanong ‘yon dahil mas inilalapit ng dalaga ang sarili nito sa kanya. “Hinahalikan ka.” Napalunok siya nang makita niyang titig na titig ito sa labi niya. Para bang gusto nitong angkinin ang labi niya. Pakiramdam niya ay inaakit siya nito at hindi nga ito nabibigo dahil naaakit talaga siya sa dalaga. “Bakit? Ayaw mo ba?” Mas lalo siyang napalunok dahil sa nakakaakit nitong boses. Hindi niya alam kung inaakit ba talaga siya ng dalaga o nadadala lang ito sa kalasangin. Muli na naman sana siya nitong hahalikan pero pinigilan niya ito. “You’re drunk, Apple,” sabi niya saka napabuntong-hininga. “Ang mabuti pa ay matu

