Hindi nagtagal ay mulig bumalik ang ina ni Dylan mula sa pagwo-walk out nito kanina habang may bitbit na maliit na envelope sa kamay nito. Napatingin din si Apple sa invitation card na inilahad ng ina nito kay Dylan. Bigla kasi siyang na-curious kung ano ‘yon kaya napasilip din siya. “What’s this, Mom?” nagtatakang tanong ng binata nang kunin nito ang envelope. “That’s an invitation card, you idiot.” Napangiwi ang binata sa sinagot ng ina nitong naka-cross arm. Bahagya naman siyang natawa dahil may nakalagay na ngang invitation sa harap ng maliit na envelope ay magtatanong pa ito. “Alam ko, Mom, okay? Pero para saan?” “Bakit hindi mo buksan at basahin? I bet, alam mo naman kung paano magbasa, right? Nakapag-graduate ka naman ng college.” Mas lalo itong napangiwi dahil sa pamimilosopo n

