Nakangiti si Apple habang mahimbing na natutulog sa kama. Napakunot na lang ang noo ni Aiden dahil sa itsura nito. Mukhang maganda ang panaginip nito dahil may pangisi-ngisi pa. “Baby Girl, wake up.” Napaungol si Apple ng maramdaman na may yumuyugyog sa kanyang balikat. “Hey, wake up.” “Aiden?” Bumangon siya saka naupo sa kama habang kinukusot ang mga mata. “Parang ang ganda ata ng panaginip mo, ah.” Tinuro nito ang gilid ng labi niya. “May laway ka pa sa gilid ng bibig mo,” natatawa nitong sabi dahilan para manlaki ang mga mata niya. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang bibig, s**t! May laway nga. Nakakahiya naman. Naupo ito sa tabi niya. “Mind sharing me what’s on your dream?” Namula ang magkabila niyang pisngi ng maalala ang panaginip niya. Bigla niyang tinakpan ang mukha niya dahil

