Dinala ni Aiden sa isang mamahaling restaurant si Danicca. Nag-uusap lang naman sila tungkol sa buhay-buhay nila habang kumakain. “Dinadala mo din ba sa mga ganitong romantic restaurant si Apple?” tanong ni Danicca. Ngumiti siya ng maalala ang dalaga. “Sometimes.” “Eh, bakit minsan lang? Kahit hindi pa kita masyadong kilala ay alam ko na may pagka-romantic ka as a boyfriend.” Natawa siya ng mahina. “Well, that’s true. Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong dalhin siya palagi sa ganitong restaurant. Eat, talking, and I want to dance with her all night.” “Bakit hindi mo gawin? Nahihiya ka ba?” Tumawa ito sa sariling tanong. “Ikaw lang ata ang lalaking nakilala ko na nahihiyang gawin ang mga bagay na ‘yon sa girlfriend nila.” “Hindi naman ako nahihiya and besides, I’m proud of her as

