Balik na naman sa trabaho si Apple sa bahay ni Aiden bilang katulong. Ilang araw na din niyang hindi nakikita ang binata. Balita niya ay busy ito sa kompanya nito. Marami itong trabaho dahil sa ilang linggo nitong hindi pagpasok sa trabaho. Feeling niya ay kasalanan niya kaya tambak sa trabaho ang binata. Napabuga siya ng hangin dahil baka magkasakit ang binata. Maaga kasi itong umaalis sa bahay at sobrang gabi na kung umuwi. Minsan nga ay hindi na ito umuuwi. Nag-aalala siya sa binata. Napailing siya. Ano ba itong iniisip niya? Bakit ba siya nag-aalala sa binata? Dati naman ay wala siyang pakialam dito, eh. Pero ngayon ay halos mamatay na siya sa kakaisip kung kumusta na kaya ito, kung kumakain ba ito sa tamang oras. Mahina niyang tinapik-tapik ang magkabila niyang pisngi. Hindi na siya

