“Hello, this is Thompson Residence. Apple, speaking, who’s this,” magalang na tanong ni Apple nang sagutin niya ang tumatawag sa telepono. “Hi, Baby Girl.” Namula ang mukha niya nang marinig ang malambing na boses ni Aiden sa kabilang linya. Simula nang maging sila ay mas naging malambing ito at hindi nahihiya na ipakita sa ibang tao kung gaano ito ka-sweet at kung gaano siya nito kamahal. Gaya nga nang sabi ng mommy ni Aiden ay namana sa ama nito ang pagiging sweet. “Napatawag ka? Teka, bakit dito ka tumawag?” “Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka naman sumasagot.” “Ay, naiwan ko pala ang cell phone ko sa kwarto.” Napakamot naman siya sa kanyang ulo. “Bakit ka pala napatawag?” “Can you brought me lunch, Baby Girl?” Napangiti siya habang napapailing. “Hindi mo naman na kailang

