Naging masaya ang bakasyon nina Aiden at Apple at umuwi silang masaya. Naging maayos naman ang lahat. Normal lang. Gaya ng nakasanayan ay hinahatiran niya pa rin ng tanghalian ang binata sa kompanya nito. Minsan ay napapaaga ang pagpunta niya sa kompanya nito dahil gusto siya nitong makita kaagad. Ayaw man niyang pumunta kaagad ay wala siyang magawa kung hindi ang sumunod dahil mismong si Manang Pesing na ang nagsasabi. Kapag kasi hindi siya pumapayag ay tinatawagan ng binata ang matanda. Minsan ay napapailing na lang siya sa pagiging isip-bata nito. Pero nitong mga nakaraang linggo ay naging busy na ang binata sa trabaho at gabi na kung umuuwi, pero kahit gano’n ay hindi naman ito nagbabago at nagkikita pa din sila tuwing tanghalian. Minsan nga lang hindi na niya ito naabutan sa gabi d

