Dahan-dahan na inilagay ni Aiden ang anak sa kama. Nakatulog ito habang nasa kandungan ng binata. Halos ayaw nitong umalis sa tabi nito. Nakatitig lang si Apple sa ginagawa nito. Kinumutan ito ng binata saka hinaplos ang buhok nito. Nakikita niya ang saya sa labi at sa mga mata nito. Naupo siya sa sofa. Hindi nagtagal ay naupo ito sa kaharap niyang sofa. “Kinukwento mo pala ako sa anak natin? It made me happy.” Umikot ang mga mata niya. “Huwag mong isipin na ginusto ko ang ikwento ka sa kanya dahil wala akong choice kasi nagtatanong siya tungkol sa ‘yo.” Napatango naman ito saka maliit na ngumiti. “Mabuti na lang at puro magaganda ang sinabi mo sa kanya tungkol sa akin.” Napabuga siya ng hangin saka napa-cross arm. Pinag-cross din niya ang kanyang mga binti at tinaasan ito ng isang kil

