“We’re home!” malakas na anunsyo ni Dylan para mapalingon ang mommy nito na nasa sala habang nanonood ng TV. “Dylan, my Baby!” Mabilis na tumayo ang ina nito saka niyakap nang mahigpit ang binata nang makalapit ito. “I’ve missed you.” Napailing na lang ito saka niyakap pabalik ang ina. Napatigil ang ginang nang makita siya. “Apple? Is that you?” Ngumiti siya dito. “Kumusta po, Mrs. Dewis?” “Oh my gosh! Ikaw nga.” Mabilis itong lumapit sa kanya at napangiwi siya nang mahigpit siya nitong yakapin. “It’s been so long since the last time I saw you. I’ve missed you.” Kumalas naman ito saka tiningnan ang buong mukha niya. “It’s been so long, but you’re still beautiful.” “Kayo din po, Mrs. Dewis, ang ganda niyo pa din. Parang hindi kayo tumatanda.” Napahawak naman ito sa sariling mukha. “Nak

