Nakapahalumbaba si Apple habang nakatingin sa labas ng coffee shop na pinuntahan nila ni Dylan. Malapit lang ito sa resort. Kasama niya ngayon ang binata dahil inaya siya nito. Dahil sa wala naman siyang ginagawa ay sumama na siya. Simula pa kahapon ay hindi pa niya nakikita si Aiden. Ang sabi nito sa kanya ay may aasikasuhin muna daw ito tungkol sa event kaya naman hindi na din siya kumulit pa dito. Mas mapapadali ang trabaho nito. “Ang pangit mo namang ka-bonding.” Napatingin siya kay Dylan dahil sa sinabi nito. “Kasama nga kita pero lumilipad naman sa kung saang lupalot ‘yang isip mo. Pakiramdam ko ay wala pa din akong kasama. I’m a lonely man, ‘ya know?” Napailing na lang siya sa sinabi nito saka ininom ang milk shake niya. “Ang oa mo saka kahit kailan ay hindi ka magiging lonely dah

