Nang makauwi sila ng ina niya ay nagtaka siya dahl pagkababa nila ng tricycle ay sinalubong agad sila ni Clarissa. Tiningnan niya ito at mas lalong nagtaka dahil parang hindi ito mapakali.
“Mama, Ate!”
“Ano bang nangyayari sa ‘yo, Clarissa? Bakit parang hindi ka mapakali diyan?” tanong ng ina niya.
Binigay naman niya sa driver ang bayad nila. “M-may bisita po tayo, eh.”
Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Kahit hindi nito sabihin kung sino ang bisita nila ay may naiisip na siya kung sino. Sina Don Alberto. Alam niya nalaman na nito ang pagbabalik niya lalo pa’t nakita siya ng mga kapitbahay nila. Kumabog ng mabilis ang puso niya. Nandito kaya sila para pag-usapan ang tungkol sa kasal?
Mas lalo siyang kinabahan. Kung nandito lang sana si Aiden—kasama niya—hindi sana siya matatakot kasi alam niyang ipagtatanggol siya ng binat. Alam niyang hindi ito papayag na maikasal siya kay Noah dahil sa usapan nila. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil bakit niya inaway ang binata gayong kailangan niya ito.
Tumingin siya sa pintuan ng bahay nila. Huminga siya ng malalim. Kahit ano pangpagsisisi ang gawin niya ay wala ng magbabago sa sitwasyon niya ngayon. Nangyari na ang nangyari. Kailangan niyang harapin sina Don Alberto ng mag-isa. Muli siyang huminga ng malalim. Kaya niya ‘to. Siya pa ba?
Napatingin siya sa ina ng hawakan nito ang kanyang kamay. “Pasensya ka na, Anak.”
Ngumiti siya dito. Alam niya kung baki ito humihingi ng pasensya sa kanya. Alam niyang pakiramdam nito na kinuha nito ang kalayaan niyang makapili ng mamahalin, pero wala naman kasi siyang sinabi na papayag siya sa magaganap na kasalan.
“Magiging ayos din po ang lahat, Ma.” Humigpit ang hawak niya sa kamay nito.
“Kung ayaw mo naman magpakasal kay Noah ay maiintindihan namin ng Papa mo. Ikaw pa rin ang magdedesisyon.” Pinatong nito ang isang kamay sa magkahawak nilang kamay.
Tumango siya saka sabay silang pumasok ng bahay. Nang malapit na sila sa pintuan ay muli siyang huminga ng malalim. Kaya mo ‘to, Apple.
“Apple, Anak.” Una siyang napatingin sa kanyang papa saka sa sinasabing bisita kanina ni Clarissa.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ito. Hindi siya makapaniwalang nakatingin dito. Hindi siya nakagalaw at unti-unting nanlaki ang mga mata niya. Anong ginagawa niya dito?
“A-anong—”
“Bakit hindi mo sinama ang nobyo mo sa pag-uwi mo noong isang araw?” Napatingin siya sa kanyang papa na may magandang ngiti.
Muli siyang napatingin kay Aiden. Ngumiti ito sa kanya saka bumaling sa papa niya. “May tinapos pa po kasi akong trabaho kaya nauna pong umuwi si Apple.”
“Gano’n ba? Buti hindi ka naligaw sa pagpunta dito.”
“Hindi naman po. Binigyan na din kasi ako ng mapa ni Apple saka nagtanong-tanong din ako sa mga tao.” Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Muli itong tumingin sa kanya saka kumindta.
What just the hell is happening here?
“Ate, tingnan mo!” Napayuko siya at nakita si Andy na may hawak na malaking laruang sasakyan. “Ang ganda ng binigay ni Kuya Aiden, no?” masayang sabi ng kapatid niya. “Tapos ang dami pa niyang binili para sa atin.” Napatingin siya sa maliit nilang kusina at mas nanlaki ang mga mata ng makitang ang daming supot ng cellophane doon.
Lumapit ang ina niya dito saka tiningnan ang mga ito. “A-ang dami naman nito, Hijo.” Lumabas muli ang kanyang ina saka lumapit sa binata. “Ano nga pa lang pangalan mo?”
“Ako po si Aiden Thompson, Ma’am.” Tumayo ito saka bahagyang yumuko para magbigay ng galang sa ina niya.
“Huwag mo na akong tawaging Ma’am.”
“Kung papayag po kayo, pwede ko ba kayong Mama?” Napasinghap siya sa gulat. Gago talaga ‘to. “Total po boyfriend naman ako ni Apple at hindi magtatagal ay magiging isang pamilya na tayo balang araw.”
Napatulala siya sa binata. Hindi niya inaasahan na magaling ito sa pag-acting. Dapat pala naging actor ito. Hindi kasi makikitaan ang binata na uma-acting lang.
NILAGYAN ni Apple ng tubig ang planggana na galing sa puso nila. Nasa likod sila ng bahay nila ngayon para maghugas ng mga pinggan. Natapos na sila sa paghahapunan at nasa loob ang pamilya kasama si Aiden na masayang nakikipagkwentohan.
Tiniklop niya ang mataas niyang saya para hindi mabasa saka umupo sa bangkong gawa sa kahoy. Kinuha niya ang pinggan saka sinimulan na itong banlawan. Habang naghuhugas siya ay napapaisip pa rin siya kung paano nalaman ng binata ang bahay nila. Hindi kaya dahil sa resume niya? Nagkibit-balikat siya, pwede din.
Pero hindi niya talaga inaasahan na… Napatigil siya sa pag-iisip ng may naglagay ng bangko sa harapan niya. Napatingin siya sa naglagay no’n at nakita si Aiden na nakangiti sa kanya.
Nagpatuloy siya sa ginagawa niya. “Anong ginagawa mo dito?”
Umupo ito. “Tutulungan kita.” Napatawa siya ng mahina dahilan para ikakunot ng noo nito. “Bakit? Anong nakakatawa?”
“Marunong ka ba?” Nginisihan niya ito.
“Minamaliit mo ba ako?”
Kumuha siya ng sabon saka sinumulan ng sabunan ang mga pinggan na binanlawan niya. “Hindi naman, pero syempre kapag mayaman walang alam sa mga gawaing bahay. May mga katulong kasi kayo na gagawa ng mga kailangan niyo. May magluluto para sa inyo, at maglilinis.”
“Hindi naman lahat gano’n.” Napatingin siya dito. Kumuha ito ng pinggan saka sinabunan nito. “Ilang taon din akong nabuhay na ako lang mag-isa. Ngayon lang naman ako nagkaroon ng mga katulong simula ng bumalik ako sa bahay. Nang mag-college kasi kami ay umalis na ako sa poder ng mga magulang ko kasi gusto kong maging independent kaya naman lahat ng mga gawaing bahay ay ako ang gumagawa.”
Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa binata. Hindi niya alam na may gano’n pa lang pangyayari sa buhay nito. Sabagay, paano niya malalaman, eh, wala naman siyang alam tungkol sa binata.
“Eh, bakit ka bumalik sa bahay niyo?”
“Wala kasing maiiwan sa bahay. Nang mapagdesisyonan nina mommy na sa States na manirahan gusto nila akong isama kaso hindi ako pumayag. Nandito na nag mga kaibigan ko, eh. Pumayag naman sila, pero ang kapalit ay bumalik ulit ako sa bahay namin, Well, I’m fine with it.”
Hindi na siya muling nagsalita. Pakiramdam niya ay parang sumbora na naman ang bibig niya at kung anu-ano na naman ang lumalabas. Noong una ay sinabihan niya ito ng nakakaperwisyo tapos ngayon sinabihan na naman niya na hindi ito marunong ng mga gawing bahay dahil mayaman naman ito at inaasa lang sa mga katulong ang mga gawain.
“Paano mo pala nalaman kung saan ako nakatira?” tanong niya para kahit papaano ay hindi maging awkward ang atmosphere nila. Nakayuko pa rin siya at hindi makatingin sa binata. Ayaw niyang salubungin ang mga tingin nito.
“Nabasa ko sa resume mo.” Gaya nga ng hula niya. “Tapos nagtanong-tanong na din ako sa mga tao. Kilala pala kayo rito?”
“Maliit lang naman kasi ang bayan namin kaya kilala namin lahat ng tao dito.”
Lihim siyang napabuntong-hininga. Plano niyang mag-sorry sa binata kapag nakauwi na siya, pero dahil nandito na ang binata ay magso-sorry na din siya.
“Sorry.” Napatingin siya sa binata ng sabay silang mag-sorry saka sabay din silang napatawa. Mayamaya ay natahimik na naman at biglang naging seryoso.
“Sorry nga pala.” Nagpatuloy ito sa ginagawa habang siya naman ay napatigil saka napatitig dito. “Hindi ko man alam kung anong nagawa kong hindi mo nagustohan, pero sorry talaga.” Napabuntong-hininga ito. “Wala talaga akong maalala.”
Napabuga naman siya ng hangin. Mabuti pa’t ilibing na lang din niya sa limot ang ginawa nito para bumalik na sila sa normal. Para siya lang naman kasi ang may malaking isyu sa kanila.
“Ayos lang. Sorry din sa nasabi ko. Minsan talaga hindi ko mapigilan ang bibig ko.”
“That’s what I like you.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Prangka ka kung magsalita. Hindi gaya ng iba na kailangan pangmagsinungaling para lang magustohan sila.” Napaiwas siya nang tingin dito at hindi na nagsalita. Kinikilabutan na naman siya sa pinagsasabi nito, eh. “Ako na.” Mabilis nitong kinuha ang planggana saka pumasok sila sa kusina.
Habang nakatingin siya sa likod ng binata ay parang may humaplos sa puso niya. Totoo ngang mabait talaga ang binata. Napagkakamalan lang itong womanizer dahil sa mga kaibigan nito. Nakaramdam na naman siya ng guilt dahil isa siya sa mga naghusga dito. Akala niya talaga isa itong womanizer, akala niya lang pala.
Tinulungan siya nitong i-arrange ang mga pinggan, baso, at iba pa sa lalagyan nito. Nang matapos ay pinunasan niya ang kamay.
“Samalat,” pagpapasalamat niya dito sa pagtulong nito sa kanya.
“Apple.” Napatingin siya dito.
“Bakit?” Nagtaka siya nang kinuha nito ang kamay niya saka may kinuha ito sa bulsa. Mabilis niyang kinuha ang kamay. Hinawakan niya ang sariling kamay. “Huwag mong sabihin na magpo-propose ka sa akin, Sir.”
“What are you talking about?” nagtataka nitong tanong.
“Eh, bakit mo kinukuha ang kamay mo saka,” tumingin siya sa bulsa nito kahit hindi naman niya nakikita. “ano ‘yang kukunin mo diyan? Singsing?”
Natawa ito. “Bumalik ka na nga sa dati. Baliw ka na naman. “ Napanguso siya. “Hindi ako magpo-propose sa ‘yo, okay? Huwag kang masyadong assuming.”
Napaiwas siya nang tingin dito saka napakamot sa pisngi. “Malay ko ba kung anong iniisip mo.”
Napailing ito saka kinuhang muli ang kamay niya. Napatingin siya sa bracelet na sinuot nito sa kanya. May pendant itong letter A. Simple lang ang desing nito pero maganda, kumikinang. It was a silver bracelet. Napatingin siya sa kamay ni Aiden habang sinusuot sa kanya ang bracelet at nanlaki ang mga mata niya.
“There,” sabi nito nang matapos nitong isuot sa kanya. “Ikaw agad ang naalala ko nang makita ko ‘yan. Binili ko na din to give you as a sign og apology for what I have done.”
Napatingin siya sa bracelet at napatakip sa bibig. “Thank you, Sir.” Napakunot-noo ang binata nang marinig nito ang pagpigil niya sa tawa. “Hindi ko alam na may nalalaman pa pala kayong ganito. Mahilig po pala kayo sa couple thing,” may panunukso niyang sabi dito. Napa-aray naman siya saka napahawak sa batok nang binatukan siya nito. “Masakit ‘yon, ah!” asik niya dito.
“Bakit hindi ka na lang kiligin? Tunutukso mo pa ako.”
Napanguso naman siya. “Kikiligin lang ako, no, kung ang gumagawa nito sa akin ay ang lalaking mahal ko.”
“Whatever!” Gusto niyang matawa dahil para itong babae. “Anyway, sinadya ko talaga na bumili din nito para malaman nila na magboyfriend-girlfriend tayo. Baka mamaya mahuli nila tayo kapag hindi tayo sweet sa harapan nila at hindi pwede ‘yon, Apple. Kapag ganyan ka sa harap ng mommy ko, sigurado akong mahuhuli niya tayo.”
Napanguso naman siya. “Oo na, Sir. Sungit naman nito.”
“And that!” Nagulat siya ng tinuro siya nito. “Stop calling me, Sir. You should call me by my name. Kung pwede nga dapat may tawagan tayo. Hmm…” Nag-isip-isip naman ito. “What about you call me baby boy and I’ll call you baby girl?”
“Blweeh!” Umaksyon siya na nasusuka. “Ang pangit naman no’n, Sir. Saka ayoko nga. Aiden lang ang itatawag ko sa ‘yo.”
Bigla niyang naalala ang tinawag nito sa kanya noong lasing ito. Pwe! Tawagan nila ng ex noon, ipapatwag niya sa akin. Tss!
“Arte nito.”
“Mga anak, matulog na kayo.” Napatingin sila sa ina niya na nasa hamba ng pintuan.
“Opo, Ma.”
Ngumiti naman si Aiden dito. “Good night, Ma.”
“Good night din.” Ngumiti ito sa kanila saka umalis.
Siniko niya ang binata nang makaalis na ang mama niya. “Anong mama? Anong mama?” asik niya dito saka pinanlakihan niya ito ng mga mata.
Natawa ang binata saka siya inakbayan. “Ayos na ‘yon. Tara na, matulog na tayo, Baby Girl.” Kininditan siya nito.
“Ewww!” Inalis niya ang kamay nito mula sa pagkakaakbay sa kanya. “Baby Girl mo mukha mo!”
Nauna na siyang maglakad saka sumunod ito. “Hintayin mo ako, Baby Girl.”
“Tumahimik ka nga!” mahina niyang asik dito, pero tumawa lang ito.