Madaling araw na nang umalis sina Apple sa resort. Dapat ay kahapon ng hapon siya aalis pero sinabi ni Dylan na madaling araw na lang dahil delikado nang magbyahe kapag gabi kaya pumayag na din siya lalo na’t ito naman ang magmamaneho. Itinuro niya dito ang daan papunta sa lugar nila at hindi nagtagal ay maaga pa lang nang makarating sila. Nakita niya kung paano magtsismisan ang mga kapitbahay nila nang makita ang magarang sasakyan ni Dylan na nag-park sa harap ng bahay nila. Kahit saan sila tumira ay palagi talagang may Marites. Hindi na lang niya ito pinansin at bumaba na sa sasakyan. Tinulungan naman siya ng binata sa mga gamit niya. “Ate?” Napatingin siya kay Clarissa na nasa tindahan at nagbabantay. Nang makompirma nitong siya nga ay pumasok ito sa bahay saka tinawag ang pamilya nil

