“Dito ka pala nagtatrabaho?” tanong ni Noah kay Apple nang itigil nito ang sasakyan sa harap ng bahay ni Aiden. “Oo.” Sabay na silang bumaba ng kotse saka pumunta sa trunk ng sasakyan nito. Isa-isang ibinaba ng binata ang mga pinamili nito. “Maraming salamat sa paghatid, Noah. Salamat din sa libre mo.” “Wala ‘yon. Sana maulit.” “Oo naman.” Ngumiti siya dito. Napatingin din siya sa bahay ni Aiden nang muling tumingin si Noah do’n. “Ang laki din pala ng bahay niya.” Tumango lang siya dito. “At least alam ko na ngayon kung saan ka pupuntahan kapag gusto kitang ayaing mamasyal.” “Pero bago ka pumunta dito tawagan mo muna ako, baka kasi may trabaho ako kapag dumalaw ka. Mas maganda kasi kung dadalaw ka at mag-aaya kung day off ko.” “Tuwing kailan ba ang day off mo?” Isinara na nito ang tr

