[Allyza POV]
Masakit ang katawan ng magising ako, tulala lang akong naka upo sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko, I still love Ace kahit pa sinasaktan niya ako. Bumuntong hininga ako at naligo sa cr. Alas singko palang ng umaga kaya naman bumaba ako para magluto, meron namang mga katulong dito sa bahay pero mas gusto kong ako ang mag luto ng agahan. Kahit sa ganitong paraan nalang may magagawa man lang ako bilang isang may bahay.
Nagluto lang ako ng bacon, eggs, hotdogs at fried rice. Alam ko di naman kakain si Ace kasama ako, ayaw ko din naman siyang maka sama sa hapag ngayon. Masama parin ang loob ko.
Iniisip ko kung sino ang taong bumuhat sa akin kagabi, he's voice is familiar. Gusto kong mag pasalamat sa kaniya. Isa lang ang iniisip kong tao, it's Dos. Siya lang ang alam kong mag liligtas sa akin. Pupuntahan ko nalang siya mamaya at dadalhan ko nadin siya ng lunch.
"Ohh. . . you're still here. Kung ako sayo lalayas nako."
Pumipikit ako at huminga ng malalim para kumalma. Pinatay ko ang stove at tumingin sa babaeng nag papainit ng dugo ko ngayong araw.
"Why you should go first?" Ako pa talaga ang lalayas? Tss, sino ba ang babaeng nakikipag siksikan, ako ba?
"Why would I kung ako naman ang gustong mag stay ni Ace."
Kumuyom ang kamao ko. Si Ace lang ang may gusto ako hindi! She's not my friend anymore, isa na siyang ahas at inaahas niya ang asawa ko.
"Cat got your tongue? Tama ako diba?" Ngumisi ito.
Hindi ko siya pinansin at dinala ang mga pagkain sa mesa. Mas gusto ko pang kumain kaysa makipag usap sa mga ahas na kagaya niya. Tinulugan ako ng mga katulong upang ihanda ang niluto ko.
"Let's eat breakfast together," rinig kong boses ni Ace. Naka pulupot sa kaniya ang alaga niyang ahas pababa ng hagdan. Bagay naman sila, tsk! Malaglag sana kayo!
Walang sabi-sabing umupo silang dalawa at kinain ang mga niluto ko. Potangina naman! Sinabi ko bang kainin nila niluto ko? Mga walang hiya!
Hindi niya man lang nakita na nasa harap nila ako? Required bang hindi pansinin ang legal na asawa? Tiningnan ko lang sila ng masama at nagsimula na rin akong kumain kahit sa totoo'y naninikip ang dibdib ko at gusto ko nanamang umiyak. Parang nawalan nako ng gana kumain. Sinasaksak at pinapatay ko na sila sa isip ko. Lalo na ang ahas na nasa harap ko na akala mo'y gutom na gutom sa attention.
"Let's get divorce."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Tiningnan ko si Ace at maimtim lang itong naka tingin sa akin. Kasing lamig ng yelo ang binabato niyang tingin. Napa lunok ako ng ilang beses. Nabibingi ba ako? Divorce? No!
"No!" Agad na sagot ko.
May ibinigay si Mr. Tan na isang folder at ballpen. Nag lalaman iyon ng divorce papers. Ganun lang ba sa kaniya kadali ito?
"Sign it and you're free to go."
Umiling-iling ako.
"Hindi ko pepermahan to! Ayoko!" pag mamatigas ko. Ayokong mawala siya sakin, hindi pako handa. Muli nanamang tumulo ang mga luha ko. Naka tingin lamang silang dalawa sa akin without any expression. Alam ko naman na masaya silang nakikita akong nasasaktan.
"I will give you 2 weeks para permahan yan. Think about it!"
Tumayo na ito at nag lakad palayo, sumunod naman si Sofia sa kaniya.
"Two weeks is so long love," rinig ko pang sabi ni Sofia.
Naiwan akong mag isa sa mesa habang umiiyak. Ayoko! Kaya kong mag bulag-bulagan sa lahat wag lang kaming mag hiwalay.
"Madam,"
May ibinigay na tissue si Mr. Tan, mas lalo akong napa iyak. Nag mumuka akong kawawa.
"A-ayokong b-bumitaw Mr Tan. Ayokong m-awala siya sakin, mahal na m-mahal ko siya."
Walang nagawa si Mr. Tan kundi patahanin ako. Alam kong naaawa ito sa akin. Gusto ko pang ipaglaban ang kasal namin ni Ace, kahit yun nalang ang panghahawakan ko.
"Humihingi ako ng paumanhin para kay Master Ace madam."
Umiling-iling ako.
"It's fine Mr.Tan, I'm use to it. . . but I will not sign this. Hindi ko pa kaya."
Tumakbo ako papuntang kwarto ko at humagulgol ng iyak. Nasasaktan ako, nadudurog ang puso ko sa tuwing iniisip ko na mawawala siya sakin. I love him so much, I can risk my life for him. But how about him? Can he risk his life for me?
Ngumiti ako ng mapait.
"That's not gonna happen Allyza, he love Sofia remember? You're just nothing to him, kasal lang kayo sa papel at hindi mo hawak ang puso niya." Pangaral ko sa sarili ko.
Muli nanamang tumulo ang mga luha ko. Kakayanin ko nalang hanggang sa mapagod ako. Pinapangako 'kong pag dumating ang araw na mapagod na ako, sana wala nang puwang si Ace sa puso ko. Gusto kong galit at pag-kamuhi nalang ang tanging mararamdaman ko sa kaniya.