Pagdating namin sa kumpanya ay hindi ako sumabay sakaniya sa elevator niya. Pumuslit ako pa lobby at dali daling nag-in at sumakay sa elevator kung saan ay si Irene at Henrix ang laman. “Oh, san ka pumasok?” tanong ni Irene sakin “Sa entrance?” kunwari’y taka kong sagot “Huh? Hindi kita napansin na dumaan doon” saad pa nito. “Baka di mo lang talaga napansin.” saad namn ni Henrix kaya nag tango tango na lang si Irene. “Buti magkasama kayo?” tanong ko sakanila at kumindat kay Irene, tsaka naman niya ako pinagmulagatan ng mata kaya pasimple akong natawa. “Nagkasabay kami sa pag in, akala ko naman magkasama kayong pumapasok dahil mukhang close naman kayo” ani Henrix “Close naman talaga kami ni Irene, pero hindi kami sabay kasi mag ka iba direksyon ng uuwian namin” sagot ko naman “Ahh g

