It was our last day, dahil bukas ng tanghali ay uuwi na din kami. Gusto nilang magbanana boat kami. Ayoko sanang sumama pero kinarga ko ni Reil sa balikat niya. Kahit ilang beses ko siyang kinurot hindi siya natinag. "Huwag kang malikot mahuhulog ka." saad niya sa'kin. "Ibaba mo na ko." sigaw ko rito. Pero hindi siya nakinig. Hanggang sa makarating ako doon niya palang ako binaba. Pagkababa ko hinampas ko siya ng malakas. "Hayop ka talaga." pero tumawa lang siya. "Ang amazona mo talaga." napahimas ito sa hinampas ko. Sinamaan mo siya ng tingin pero parang wala lang sa kanya. Inakbayan naman ako ni Tony. "Huwag ka ng magalit kay Reil." Inirapan ko siya ng tingin. "Siraulo iyang pinsan mo kasi." galit kong saad. "Hala! pinsan ko ba iyan." malokong saad ni Tony. Reil raised his mid

