Tulala lang si Lindsay nang dumating si Alex sa library. Kanina pa niya hinahanap ang dalaga magmula nang mag-abang siya mula sa gate ng university. Wala nang estudyante na lumalabas mula sa gate ngunit walang Lindsay na nagpapakita kung kaya't minabuti na lang niyang hanapin sa loob. Panay rin ang dial niya sa number ng dalaga ngunit hindi ito sumasagot. At sa wakas ay natagpuan niya ito sa library na malalim ang iniisip. He's been trying to calm himself magmula pa kaninang umaga. Hindi naging maganda ang takbo ng araw nang dahil sa narinig niya. Sinubukan naman niyang ayusin ang mood niya ngunit sa tuwing naaalala niya ang kanyang tiyuhin ay mas lalo lamang tumitindi ang galit niya. Kung pwede lang niyang patayin ang hayop na iyon ay matagal na niyang ginawa. He's been troubling hims

