"Gagaling pa ba ako, Doc?" tanong ni Lindsay sa kanyang kaharap na si Dra. Triviño, ang psychologist doctor ni Lindsay sa mahabang panahon. Paulit-ulit na kinukurot ni Lindsay ang kanyang kamao habang nakaupo sa isang monoblock chair. Kaharap niya sa desk ang doctor na mataman lamang na nakatingin sa kanya. Napangiti ito sa kanya. "Of course! You're improving day by day, Lindsay. I am confident na gagaling ka," sagot nito. "Bakit? May bumabagabag ba sa isipan mo? You can tell me anything." "Doc... safe ba na pumasok ako sa isang relasyon? You know... like what normal people do." "May nanliligaw na ba sa'yo? What do you think of that person?" "Hmm... I'm not sure..." Napangiti siya nang malumanay nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang mukha ni Alex. "Hindi raw siya marunong manligaw

