Chapter 49Kill Me “Gusto mo akong patayin, hindi ba? Gawin mo na,” nakangiting sabi ni Van. Kita niyang nanginginig ang kamay ni Kisha habang hawak ang espada. Rinig din niya ang mabilis nitong paghinga, indikasyon na kinakabahan din siya. “Gusto mo na talagang mamatay, ano? Sabagay, ‘yun naman dapat talaga ang mangyari sa ‘yo at sa buong angkan mo. Hindi na dapat kayo nabubuhay sa mundong ‘to. Wala kayong lugar dito dahil para lamang sa mga tao ang mundong ito,” puno ng galit na sabi sa kaniya ni Kisha. Napailing naman si Van sa naririnig niya sa dalaga. “Hindi ka ganyan manalita noon, Kisha. Para sa ‘yo lahat ng bagay sa mundo ay pantay-pantay. Hindi mahalaga sa ‘yo kung bampira pa o tao ang nasa paligid mo. Hindi ikaw ‘yung klase ng tao na papatay dahil sa galit. Nagkaroon ka lang n

