Chapter 27Kisha versus the Archer Brothers Mga ingay sa labas ang gumising sa napakhimbing kong tulog. Since wala si Van simula pa kagabi dahil sa pagtawag ng council sa kaniya, nagagawa ng mga loko-lokong Archer Brothers ang gusto nila. Wala pa ako sa sarili nang bumangon ako. Lumakad ako papunta sa pinto para silipin kung buhay pa baa ng mga kasama ko sa mansyon. Pagbukas ko nito’y nagising ang diwa ko nang maramdamang may bumuhos na tubig sa buong katawan ko. Take note! May kasama pang yelo! “What the hell?!” sigaw ko. Pagtingin ko sa harapan ko’y halos hindi na makahinga ang Archer Brothers dahil sa pagtawa. “Letchugas barabas hestas! Mga anak kayo ni Hudas! Tingnan niyo ang ginawa niyo sa ‘king mga nilintikang mga bampira kayo!” I screamed at the top of my lungs. Magbiro na sil

