Chapter 37The Difference Between You and I “Nasaan si Kisha?” tanong ko kay Lolo G pagkadating na pagkadating ko sa bahay. Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kaniya kasi sobrang himbing ng tulog niya kaya hindi ko na siya ginising. Hindi rin ako nakatawag at nakapagtext dahil nawala ang cellphone ko. Nagpatak siguro nu’ng na-iimbestiga kami tungkol sa mga Fiend. Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung saan nanggaling ang mga nilalang na ‘yun. “Hindi ba nagtext o kaya tumawag sa ‘yo? Ang sabi niya kasi makikipagkita lang daw siya sa kaibigan niya,” sabi niya habang hindi inaalis ang paningin sa magazine na binabasa niya. “Nawala ko kasi ang cellphone ko, eh.” Sino naman kayang kaibigan ang pupuntahan niya? Nag-aalala ako. Hindi siya puwedeng basta na lamang lumabas dahil masyad

