Chapter 29Love, Love, Love Nagising ako dahil sa isang ingay na hindi ko alam kung ano. Parang nanggagaling sa labas kaya dahan-dahan akong tumayo. Mas malinaw na ngayon ‘yung tunog kaya tumingin ako sa bintana. Nakaramdam ako ng takot. Baka mga bampirang ayaw sa relasyon namin ni Van at nandito sila para patayin ako! Pero medyo matagal na panahon ding walang nanggugulo. Kung gano’n, bakit ngayon na lang ulit? At saka madali lang sa kanilang pumasok sa bahay ko kung gugustuhin nila. 5 AM pa lang. Ano naman kaya ‘yun? O sino naman kaya ‘yun? Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa bintana at habang papalapit ako ay may bato na tumama rito. Dali-dali akong lumapit sa bintana at binuksan ito. Sisigawan ko pa sana ang walanghiyang balak pa yatang basagin ang bintana ko pero nagulat ako nang maki

