Chapter 40Unfinished Business “Itinayo niya ang Blood Organization para maayos ang gulong hindi niya nagawang maayos noon.” Nagkatinginan kami ni Jick. Ni isa sa amin ay walang balak magsalita, parang may kung anong nakabara sa aming lalamunan. Hindi ko alam kung paano ko isisiksik sa aking utak ang sinabi niya. Anong gulo? Kung hindi si Israel ang may dahilan kung bakit nagkaroon ng mga Fiends, sino ang lumikha sa mga nilalang na iyon? Sino ba talaga si Israel Walker? Napakadaming katanungan sa aking isip na para bang sasabog na ang utak ko. Hindi ko na alam kung paano ko iisa-isahin lahat. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Jick. “Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung natapos ko ang aking tungkulin noon.” Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses sa aming likod at nakatayo si I

