Chapter 14The Second Gate Para akong binugbog sa sakit ng aking katawan. Hindi ako kailanman natutulog pero dahil sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan na buong gabi akong walang malay. Nagising na lang ako nang maramdaman kong marahan akong tinatapik ni Kisha para gisingin ako. “Five more minutes, hm?” I whispered as I took her hand and kissed it. “Okay pero sumunod ka na kaagad sa ‘kin sa labas.” Muli akong pumikit pero hindi ko pinalampas ng five minutes dahil siguradong magagalit si Kisha. Strikto siya pagdating sa oras kaya hindi ako nahuhuli sa scheduled time na ibinigay ni Lolo para sa ensayo. Lumabas na ako at hinanap siya. Nakita ko na lang siya sa likod ng bahay at nagdo-drawing na kung ano sa lupa gamit ang stick. Hindi muna ako lumapit sa kaniya, panonoodin ko muna siya.

