Chapter 5Bloody War
Kasalukuyan pa rin akong nasa mansyon ni Van. Ayaw niya akong pauwiin. Bukod sa sabado naman ngayon at wala kaming pasok, hindi pa rind aw safe kung uuwi ako sa bahay at mag-stay ako roon mag-isa. Ngayong alam na ng buong organisasyon ang koneksyon ko kay Van, siguradong hindi nila ako titigilan.
Ang tanong, ano namang gagawin ko rito?
“Ms. Kisha, pinapatawag mo kayo ni Young Master.” Naputol ang akong pag-iisip nang madinig ko ang boses ng isang lalake sa labas ng kwarto.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa ‘kin ang isa sa mga butler ni Van.
Isang tingin ko pa lang ay alam kong bampira na siya dahil sa putla ng kaniyang balat. At isa pa, sigurado akong lahat ng katiwala nila rito ay mga bampira rin.
“Susunod ako,” sagot ko sa kaniya at pinanood ko lang siyang lumakad paalis.
Isinirado ko ang pinto at sumandal doon. Nagpakawala ako ng isang malalim na hinga. Ano naman kaya ang kailangan sa ‘kin ng tukmol na ‘yon? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa ‘kin. Palagi niyang sinasabi na ako ang magiging katuwang niya pero hindi ko alam kung bakit ako. Sa dinami-dami namang babae riyan, bakit ako pa?
Imbis na magpakalunod ako sa sarili kong iniisip, lumabas na lang ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni Van. May malaking pinto ito na halos umaabot na sa mataas na ceiling. May delicate design ito na hindi mo madalas makikita sa mga normal na pinto na mabibili mo lang sa mga home depot.
Nang magbukas ang pinto ay napanganga na lang ako sa ganda at laki ng kwarto niya. Ang tanging kulay lang na nakikita ko sa loob ay puti, itim, pula at gold. Napakagandang kombinasyon ito ng mga kulay at napakalinis tingnan.
May tatlong malalaking bintana na natatakluban ng pulang kurtina, isang malaking king sized bed na may itim na kobre kama at malalaking mga unan na may pulang punda. Bagay na bagay nga itong maging kwarto ni Van. Wala masyadong gamit kaya mas lalong maluwag tingnan.
Kusang nagsara ang malaking pinto. Naiwan na lang ako sa gitna ng kwarto at si Van naman ay nakatayo sa tabi ng malaking bintana habang may hawak na kupita. Hindi talaga mawawala ang kaba ko sa tuwing kasama ko siya. Ang hindi ko maintindihan ay kung takot ba ito o ano.
Bakit niya kaya ako pinatawag? ‘Wag niyang sabihin na kailangan niya ng dugo? Baka kaya kailangan niya ako ay may espesyal akong dugo at ang tanging dugo ko lang ang maiinom niya?
Naputol ang aking pag-iisip nang madinig ko siyang tumawa.
“Bakit mo ako tinatawanan?” inis na tanong ko sa kaniya.
“You think I’ll bite you?”
I glared at him. He read my mind again!
“Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Na-curious tuloy ako kung ano ‘yon.”
Dumaan ang malakas na hangin at laking gulat ko na lang na nasa harapan ko na siya. He really loves flaunting his abilities as a vampire. Hindi ko naman siya masisi dahil kung bampira rin ako, baka madalas kong gamitin ang mga kakayahan ko para mas mapadali ang mga ginagawa ko sa buhay.
“Bakit mo ako pinatawag dito?” Nakahalukipkip kong tanong sa kaniya.
Hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya sa ‘kin. Ang tanging nagsisilbing harang lang sa aming dalawa ay ang braso kong nakahalukipkip sa ‘king dibdib.
“I just want to see you.”
Napataas ang isa kong kilay. “Kung gusto mo akong makita, ‘di ba dapat ay ikaw ang pumunta sa ‘kin at hindi ako ang pupunta sa ‘yo?”
Sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang labi. Hindi ako makapaniwala na siya ang bampirang nu’ng isang araw lang ay nagagalit kapag kinekwestyon ang ginagawa niya. Pakiramdam ko’y napaka-espesyal ko para tratuhin niya ako nang ganito.
“You have a point.” Hinawakan niya ang braso ko at inalis ito sa ‘king dibdib. Napasinghap ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya. Ang mukha niya’y ilang pulgada na lang ang lapit sa aking mukha. “Have you thought about it?”
Kumunot ang aking noo sa pagtataka. “About what?”
“About being my woman.”
I narrowed my eyes at him. Sa tuwing nadidinig ko ang salitang ‘yon ay hindi ako natutuwa. Parang may mali. Parang hindi ko gusto ang dating ng mga salitang ‘yon. “Van, lilinawin ko lang sa ‘yo, hindi ako nandito para makipaglaro. Kung gusto mo ng babaeng mapapaglaruan mo sa kama, hindi ako ‘yon.”
Nawala ang pilyong ngiti sa kaniyang labi. Napalitan ng seryosong ekspresyon sa kaniyang mukha. “That’s not what I meant when I said I want you to be my woman.”
“Then what?” I stared right into his eyes. Kahit pakiramdam ko’y nanlalambot ang tuhod ko sa malalagkit niyang tingin ay hindi ako nagpatinag. “Believe me or not, you’re destined to be with me.”
“Says who?”
“The prophecy says so,” sagot niya. “The prophecy led me to you, Kisha. Kahit kalian ay hindi nagkamali ang propesiya.”
Hindi ako nakasagot ‘agad sa kaniyang sinabi. It’s still a lot to take in. Hindi naman ibig sabihin nito ay tatanggapin ko na lang lahat ng nangyayari sa ‘kin. What will I supposed to do now? Hanggang ngayon nga ay pakiramdam ko’y nasa isang mahabang panaginip lang ako. Kung sinoman ang nasa posisyon ko ngayon ay hindi rin makapaniniwala sa nangyayari.
Van gently held my hands. He brought it to his lips and kissed my knuckles softly. His grey eyes stared right into mine, sincerity flowing within the depths of it.
“I know this is hard to take in, Kisha, but believe me, there is a reason why fate brought us together.”
It’s definitely a bad idea to trust a vampire like him but since he saved my life several times, I guess I’ll give it a shot.
“Fine, but what do you want? Why do you want to see me?”
Pinagsalikop niya ang aming mga daliri. “I just want you here, that’s all.” Hinila niya ako patungo sa kama at naupo kami roon. “And also–”
Napasigaw ako nang bigla niya akong hinila pahiga sa kama.
“Van!”
Niyakap niya ako at nanatili kaming nasa ganoong posisyon.
“I want to do this.”
Tumingala ako sa kaniya. “Do vampires sleep?”
“No,” aniya. “But our minds are kinda inactive when we’re in a state of sleep. We know what happens around us so even if we’re in that state, we can always move in case something bad happens.”
I can’t imagine how it feels like. It’s like you’re sleeping but not entirely. Even though they’re beings with superhuman powers, I know at some point, they get tired too.
“What does it feel like to know that you’ll live hundreds of years?”
Humigpit ang yakap niya sa ‘kin. Hindi ko na makita ang kaniyang mukha dahil ipinatong niya ang kaniyang baba sa ‘king ulo. “I honestly don’t know what to feel. Just like you, I’ve been living for 21 years.”
A gasped escape from my lips. “Ka-age lang kita?!”
I heard him chuckle. “Yes, I haven’t been living for too long so I don’t really know what to feel about that yet.”
That made sense. Akala ko nama’y katulad siya ng mga bampirang nababasa ko sa mga libro at napapanood sa mga movies na nabubuhay ng ilang daang taon na. To think that he’s not an old vampire and yet he’s already leading his own clan. He must be really powerful for him to be chosen as their master.
Silence fell upon us. He’s breathing but it sounds like he’s only doing it just for the sake of it. My cheek is pressed on his chest but I can’t feel any heartbeat from him. Slowly, I put my palm on top of where his heart is supposed to be.
“The quote that says my heart beats for you won’t come in handy, no?” he said, chuckling.
Napatawa na lang din ako. “Yeah, it won’t work.”
Muli na naman kaming binalot ng katahimikan.
“Sleep if you want.”
Hindi ko siya sinagot bagkus ay ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Sa sobrang tagal ko nang mag-isa, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang pakiramdam ng may kayakap. It’s not as warm as it’s supposed to be since he’s a vampire but the way my heart felt warm because of the gesture is enough to make me fall asleep.
I guess this isn’t bad at all.
THE warmth coming from Kisha made Van stay awake the entire night. All he did is stare at Kisha’s pretty face, occasionally stealing kisses on her forehead. For some reason, his heart that isn’t beating feels like will beat anytime soon.
Napatawa na lang siya sa kaniyang isipan.
That’s bullshit, Van.
But the warm night didn’t stay long. Nang mag-umaga na ay nakatanggap siya ng tawag mula sa council ng mga bampira, ang Cross Council.
Ang council ay binubuo ng mga bampirang nagpapanukala ng mga batas at naggagawa ng mga rules na dapat sundin ng mga bampira. Dahil nalaman nilang nakikisama sa mga tao si Van at nahuhulog na ang loob niya sa isa rito ay kaagad siyang napatawag ng mga ito.
Kahit kalian ay hindi sinunod ni Van ang mga rules ng council. Ilang beses man niyang labagin ang batas ay madalas siyang nakalulusot. Isa na rin ito sa dahilan kung bakit may mga bampirang sumasali sa organisasyo na taliwas sa mga prinsipyo ni Van. Kung ang leader ng mga bampira ay hindi sumusunod sa rules, bakit kailangan nilang gawin ‘yon?
Pagpasok ni Van ay dumeretso siya sa bulwagan. May malaking lamesa sa gitna at may sampung upuan na nakapaligid dito. Ang panglabing-isa na nakalagay sa dulo ng lamesa ay nakalaan para sa kaniya.
“Van Walker, nagkita na naman tayo,” sabi ni Calix, ang pinakamataas sa council.
Ngumisi si Van sa kaniya. Prente siyang umupo sa upuan na para sa kaniya.
“May nilabag ka na namang rules, Van,” saad ni Lex, ang siyang nag-aasikaso sa mga papeles na dumadaan sa council.
"Hindi pa ba kayo nasanay? Hindi ko naman talaga sinusunod ang patakaran niyo."
Nag-igting ang mga panga ni Calix nang madinig ang sinabi ni Van. “Pero ibang bagay ‘to, Van! Nahulog na ang loob mo sa isang tao at ‘yon ay lubos na pinagbabawal sa ating lahi!”
Tumayo si Calix at naglakas-loob na sumugod kay Van. Ngunit mabilis na nahawakan ni Van ang mukha ni Calix at dinukot ang puso niya. Itinapon niya ang puso nito sa sahig na parang laruang pinagsawaan niya. Gulat na gulat silang lahat sa nangyari. Dinilaan ni Van ang kamay niyang puno ng dugo.
"Conn, ikaw na ang bagong head ng Council." Itinuro niya ang lalakeng bampira na nanginginig na sa takot.
Lumabas siya sa bulwagan. Iniwan niya ang mga myembro ng council na gulat na gulat pa rin sa bilis ng pangyayari.
Bago pa makasakay si Van sa kaniyang kotse ay hinarangan siya ng sampung bampira. Hindi pamilyar ang mga ito kay Van. Maaaring sila ay parte ng organisasyon na taliwas sa kaniyang pamamalakad.
“Wala kaming pakealam kung Pure Blood ka pa, pinatay mo si Master Calix!”
Tiningnan sila ni Van na parang bored na bored pa siya sa nangyayari. He’s powerful enough to take them all down and he knows it. “Dapat lang sa kaniya ‘yon. Ayoko nang sinusuway ang mga kagustuhan ko.”
Ang tanging isinagot lang ni kay Van ay ang sabay-sabay nilang pagsugod. Hindi nila kayang lumaban mag-isa at dahil sa ginawa nilang ito, maaga silang mamamatay.
Sinipa ni Van ang isa sa kanila na siyang nakapagpatalsik dito. Sinuntok naman niya ang dalawa pang bampira na tumakbo sa magkabilang gilid niya. Dinukot niya ang puso nilang lahat dahil kung hindi, may posibilidad pa silang mabuhay. Mas magandang tapusin na kaagad ang magpapasakit ng ulo niya pagtagal.
"K-Kung inaakala mong magpapatalo ako sa ‘yo, nagkakamali ka!" sigaw ng isang bampira na nag-iisang nakatayo sa gitna ng abo ng mga kasamahan niya.
Pinigilan namang matawa ni Van. Wala pa rin siyang ganang nakatingin sa bampira na para lang siyang isang insekto.
Nagtangkang sumugod ang bampira kay Van ngunit tumalon si Van nang mataas at bumagsak sa likudan niya. “Ako ba ang hinahanap mo?” Pagharap ng bampira sa kaniya ay binigyan niya ito ng malakas na suntok na siyang nakapagpatumba sa kaniya.
Pinili ni Van na huwag munang patayin ang bampira at nag-iwan ng isang mensahe para sa kung sinoman ang nag-uutos sa kanilang gawin ito. "Magpasalamat ka at hindi pa kita papatayin, sabihin mo sa mga kasama mo, oras na kalabanin niyo ulit ako, sisiguraduhin kong uubusin ko kayo at gagawing abo."
Nanginig na tumango ang bampira. Binitawan ni Van ang pagkakahawak sa leeg nito at mabilis itong tumakbo paalis. Pero wala pang ilang minuto ay may dumating pang higit sa sampung bampira sa harapan niya.
Wala bang tapos ‘to?
Hindi niya inakalang ganito na karami ang natipon ni Calix. Hindi niya maiwasang humanga dahil nagawa nitong makaipon ng malalakas na loob na bampira. Ngunit kahit ilan pa sila, hinding-hindi pa rin nila matatalo si Van.
"Mga aso ba kayo ni Calix?" mapang-asar na tanong niya sa mga ito.
They hissed, revealing their fangs.
Van’s eyes turned bloody red. His eyes glowed differently from the rest of them. Dahil isa siyang pure blood, ang mga mata niya’y naiiba ang pagkapula. Isa na ito sa mga senyales na hinding-hindi nila mapapatumba ang isang katulad niya kahit na magsama-sama pa sila.
"Ang lakas din ng loob niyong magpakita sa akin kahit alam nyong hindi naman kayo mananalo."
“Wala kaming pakealam kung sino ka pa, ang mahalaga ay maipaghiganti namin si Master Calix!"
Sabay-sabay na naman silang sumugod, isang pattern na napansin ni Van. Buong akala nila’y makakaya nilang talunin si Van sa ganitong stratehiya.
"Cowards!" tumatawang sigaw ni Van sa mga ito.
Tumalon siya nang mataas at sa pagbagsak niya sa lupa ay naggawa ito ng malakas na pressure. Lumipad sa ere ang mga bampira at lumikha ito ng malaking crater sa lupa. Ang ibang bampira ay napasabit sa puno, ang iba’y napadpad pa sa mas malayong destinasyon.
Hindi makapaniwala ang mga natirang bampira sa kanilang nakita.
Mabilis na nakalapit si Van sa limang bampira na natira. Bumulong siya sa isa sa mga ito. “Gusto mo na bang mamatay?”
Hindi sumagot ang bampira ngunit nanginginig na ang buong katawan niya sa takot, maging ang mga bampirang kasama niya.
Sinuntok ni Van ang dibdib nito at lumagpas ang kaniyang kamao hanggang sa likod. Lumabas ang dugo sa bibig ng bampira, pababa sa katawan niya.
"Silence means yes so I killed him." He shrugged his shoulders and looked at the remaining vampires standing near him.
Tiningnan niya nang matalim ang mga ito. He just wanted to go home and be with Kisha but these vampires were wasting his time.
"Get out from my sight in 5 seconds or else I kill you with no mercy." Pagkasabi niya nito’y wala pang ilang segundo ay nawala na sa kaniyang harapan ang mga natirang bampira.
Van sighed. He regretted going here at this hour.
"Van! Anong ginawa mo sa garden namin?!" sigaw ni Ren, isa siya sa council. Kasunod niyang lumabas ay ang lahat ng council, at bakas sa mukha nila ang pagkagulat.
Mukhang kahit kalian ay hinding-hindi sila masasanay sa ganitong pangyayari. Sa tuwing bumabalik si Van sa council ay palagi siyang nakakasira ng gamit. Kung hindi ang pinto, bintana o kaya mga mamahaling muwebles, ngayon naman ay ang buong hardin na kanina’y puno ng mga bulaklak. Ngayon, napalitan ito ng napakalaking crater at bakas ng dugo.
Van chuckled like a child and gave them a peace sign. “Sorry?”
“ ‘Wag na ‘wag ka nang babalik dito kahit kailan!” sigaw ng buong council sa kaniya.
Van made face and turned around like he didn’t hear anything. Sumakay na siya sa kaniyang kotse at hindi na pinansin pa ang ungol ng mga council habang nakatingin sa malaking kasiraan na ginawa niya.