Chapter 12The Party “Sigurado ka bang bagay talaga sa ‘kin ‘yan?” tanong ko kay Farrah habang nakatingin sa isang pulang evening dress na nakalatag sa kama. Ngayon lang ako magsusuot ng ganito kagarang dress. Noong junior prom naming noong high school ay hindi ako um-attend. “Oo nga sabi, eh.” Sinimulan niyang ayusin ang buhok ko. “Isang tanong mo pa kakalbuhin na talaga kita.” Alam kong hindi siya seryoso sa sinabi niya pero hindi na ako muling nagtanong. Nakakatakot pa rin si Farrah minsan kahit na nag-iba na ang pakikitungo niya sa ‘kin. “Mas bagay pala sa ‘yo ang nakalugay na lang.” Hindi ako nagsalita at pinanood ko na lang ang aking buhok mula sa salamin. Sana nakikita rin ni Farrah ang itsura niya sa repleksyon dahil napakaganda niya sa suot niyang dress. “Hindi ko na itataas a

