Chapter 9Total Chaos Nandito po tayo ngayon sa isang lumang budega sa 125th street kung saan natagpuan ang bangkay ng dalawang lalake. Makikita sa kanilang leeg ang dalawang butas na para bang may kung anong kumagat sa kanila at umubos ng kanilang dugo. Ano nga kaya ang dahilan ng kanilang pagkamatay? Kagagawan ba ito ng ligaw na hayop? O totoo ang mga aswang at bampira? Atin pong tunghayan ang pahagay ng isang mamamayan na saksi sa pangyayari. Tutok na tutok ako sa telebisyon dahil sa balitang ipinapakita nila. Dalawang bangkay na may kagat sa leeg. Kung hindi ko alam na totoo ang mga bampira, iisipin kong baka kung anong hayop lang ang gumawa nito sa kanila pero sa pagkakataong ito, alam kong mga bampira ang gumawa nito sa kanila. Halos gabi-gabi na lang ganito ang laman ng balita. Sig

