Chapter 57Adamant The whole laboratory was reduced to rubble. All the alarms were on and everybody was panicking because of the sudden outburst of the creature that they created. The Adamant lose control. “What is happening here? Bakit kayo nagtatakbuhan?” tanong ng scientist na si Thalia kasama sina Finnick at Roger. Hindi nila alam ang nangyayari dahil kararating lamang nila. Napansin nilang sira lahat ng gamit sa loob ng laboratory at ang ibang bahagi pa nito ay nababalutan na ng apoy. “Hindi namin alam! Basta na lang nakawala ‘yung Adamant at nagwala rito!” takot na takot na sabi ng isang scientist. “Nandoon siya ngayon sa Main Laboratory at siguradong doon naman siya nanggugulo.” Tatanungin pa sana nila ito pero mabilis na itong tumakbo para sagipin ang buhay niya. Madami na ring

