Chapter 32Live, Laugh, Love Nadinig ko ang malakas na volume ng aking ringtone. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang caller. Nakaflash sa screen ang pangalan ni Van kaya ‘agad ko itong sinagot. Ilang araw na siyang tumitigil sa council para magasikaso ng kung ano-anong bagay lalo pa ngayon na nabalitaan kong dumating na ang mga representatives ng bawat clan. “Bakit?” [Wala, namiss lang kita.] Dinig ko sa boses niya ang pagod. Napabuntong-hininga ako. “Anong oras ka uuwi? Makakauwi ka ba?” [Hindi eh,] malungkot na sabi niya. [Ganito na lang, punt aka sa mall at hintayin mo ako roon. Date tayo.] “Talaga?!” Hindi ko maiwasang hindi ma-excite. Date raw! Sana hindi na masira ang date namin. Hindi naman sa sinasabi kong nasira ‘yung noon dahil kay Cross pero mas gusto ko na kaming dala

