Tatlong buwan ang nakalipas pero ni minsan hindi nakaramdam ng pag iisa dahil nandyan sina Jarrel. “Lola!” sigaw ng babaeng apo ni lola Griselda, tatlo silang babae ngayon na naisipang mag bakasyon sa mansyon. Si Nazumi, Mizuki, Izumi. Kambal si Nazumi at Izumi, minsan na silang nakilala ni Ivory noong minsan na silang nag bakasyon noong nakaraang buwan. “Ate Ivory!” sigaw nilang tatlo at nag unahan sa pag yakap sa dalaga. Nakangiting niyakap ni Ivory ang tatlo na wagas kung maka ngiti sakanya. “Ate na miss kita! Puro si kuya Jarrel nalang nakikita namin, nakaka sawa na ang mukha niya” nakangising sambit ni Izumi, natawa naman si Ivory. “Bully talaga kayo sa kuya niyo” natatawang sambit ni Ivory at pinisil ang ilong ni Izumi. “He’s a bully too ate” naka simangot na sambit ni Mizu

