"Kids?" tawag ni Blaine sa mga anak niya dahil ihahatid niya ang mga ito sa kanilang skwelahan. "Wait daddy, nag aayos nalang po" sambit ni Dulcibella. "Okay, baby. Daddy will wait for you at the sala okay?" masuyong sambit ni Blaine sa bunso nila Ivory. "Yes po daddy" sagot pabalik ni Dulcibella, umalis na si Blaine at sinunod ang kwarto ng panganay nilang anak. "Dale? are you done already?" tanong ni Blaine pagkatapos nitong kumatok sa pintuan ng kwarto ni Dale. "Yes, daddy. I will just tidy my things then lalabas na po ako." sagot ni Dale. Hindi na sumagot si Blaine at dumiretso na siya sa sala kung nasaan si Ivory na kasalukuyang kinakausap ang kanyang kuya. "You don"t have any work today Blaine?" nagtatakhang tanong ni Arzhel kay Blaine, umiling si Blaine at umupo sa tabi n

