Pagka baba ni Ivory sa bus na sinakyan niya papuntang laguna, napag desisyunan niyang kumain muna sa isang karinderya dahil nanginginig na siya sa gutom.
“Anong sa'yo ineng?” tanong ng nag babantay sa tindahan.
“Tag mag kano po binebenta niyong ulam?” tanong ni Ivory habang tinitignan ang ulam na nasa harapan niya, may dalawang libo pa naman natitira sa pera niya.
“Tag singkwenta isang order, ang kanin tag sampo.” sagot ng tinder, tumango si Ivory at tinuro ang menudo.
“Isang order ng menudo ate tsaka dalawang kanin.” sambit ni Ivory, tumango ang tindera at inasikaso na ang order ng dalaga.
Pagkatapos ibigay ng tindera ang inorder ni Ivory, dali dali nang kumain ang dalaga at sinimot lahat ng ulam para ma sulit ang pag kain niya, pagkatapos kumain ay uminom muna ang dalaga tsaka nag pahinga sandali bago nag bayad sa tindera pagkatapos ay nag simula nang mag lakad lakad para mag hanap ng trabaho.
Sinubukan ni Ivory ang isang karinderya sa tabi.
“Tao po?” tanong ni Ivory at kumatok sa may pintuan.
“Bakit ineng?” tanong ng babae na galing sa loob ng bahay.
“Nag hahanap po ba kayo ng kasama mag trabaho? Kahit po taga hugas ng pinggan, masipag po ako” sambit ni Ivory sa babae.
“Pasensya na ineng, pero matumal ang kitaan ngayon eh” sambit nito, parang pinag sakluban naman ng mundo si Ivory sa narinig.
“Sige po, salamat po” nakangiting sambit ni Ivory at tumalikod na.
“Paano na ’to?” problemadong sambit ni Ivory at tinuloy ang pag lalakad.
“Ayun, convenience store.” bulong ni Ivory at lumapit sa convenience store.
“Hello po, nag hahanap po ba kayo ng trabahador? Pwede po ako” nakangiting sambit ni Ivory sa lalaki, tinitigan naman siya nito pagkatapos ay umiling.
“Pasensya na hija, boy ang kailangan namin.” sambit nito, nawala ang ngiti ni Ivory at tumalikod na.
Hindi alam ng dalaga kung saan na siya mag hahanap ng trabaho nito, habang nag lalakad lakad siya ay may nakita siyang matanda na nahihirapan buhatin ang isang basket, kaya dali dali niya itong pinuntahan para tulungan.
“Nako lola! Tulungan ko na po kayo, saan po kayo?” tanong ni Ivory at kinuha ang basket sa kamay ng matanda.
“Nako salamat ineng, sa may medyo dulo pa, kaya mo bang buhatin iyan?” tanong ng matanda.
“Opo lola, huwag ka pong mag alala.” sambit ni Ivory at nag simula na silang mag lakad.
“Bakit ka mag isa hija? Bakit napaka laki rin ng bag mo? Nag layas ka ba?” nag tatakhang tanong ng matanda.
“Ah opo eh, eh ginagawa po akong alipin sa bahay lola, binabalak din akong pag samantalahan ng tiyuhin ko, kaya nag layas nalang po ako.” sambit ni Ivory.
“Ano ba namang tao meron sa bahay niyo? Jusko! Pati pamangkin ay gusto gàhasain.” galit na sambit ng matanda.
“Hindi ko nga rin po maintindihan lola” nakangiwing sambit ni Ivory, ramdam pa rin ang takot na nararamdaman niya sa bahay ng tiyahin niya tuwing gabi.
“May mga tao talagang halang ang bituka, siya nga pala hija. May titirhan kana ba?" Tanong nito kay Ivory.
“Ah wala pa po, pero baka sa kalsada nalang po muna ako mag papa lipas ng gabi, dahil hahanap pa po ako ng trabaho kinabukasan” nakangiting sambit ni Ivory.
“Nakaka ngiti ka pa rin kahit nahihirapan kana sa buhay” nakangiting sambit ng lola.
“Wala naman po mangyayari kung sisimangot lola, lalo lang hihina ang loob ko” sagot ni Ivory.
“Tama ka naman, sa bahay ko muna ikaw tumira. Mag isa lang ako sa bahay kaya kasya tayong dalawa, sa'kin ka muna tumira pansamantala.” sambit nito kay Ivory, tumango ang dalaga.
“Salamat po lola” sagot ni Ivory at patuloy pa silang nag lakad lakad papunta sa isang barong barong malapit sa sementeryo.
“Kaya mo bang matulog dito kahit nasa tabi tayo ng sementeryo hija?" Tanong ng matanda kay Ivory, tumango si Ivory at ngumiti.
“Ayos lang po lola, hindi naman po ako matatakutin.” sagot ni Ivory, tumango ang matanda at pina baba na ang basket na hawak ni Ivory sa gilid.
“Ano po bang laman ng basket lola?” tanong ni Ivory sa matanda.
“Mga gulay gulay hija, mga prutas na ibinibigay sa'kin sa palengke.” sagot ng matanda, inabutan ng mansanas si Ivory, tinanggap ito ni Ivory at hinugasan sandali.
“Buti mababait po mga tao na nasa palengke lola, binibigyan po kayo” puna ni Ivory nang mapag masdan ang basket na puno ng prutas at gulay.
“Ibig sabihin nito ay marami silang sobra sa paninda nila, at iuuwi lang nila ang iba kaya minsan ay binabahagi nila sa'min na kapos sa buhay” sagot ng matanda, tumango si Ivory at inisip kung bakit hindi ganoon sa palengke sa lugar nila.
“Wala po kayong asawa at mga anak lola?” tanong ni Ivory nang mapansing wala ni isang picture frame na nasa loob ng barong barong.
“Meron akong asawa at isang anak, pero nasawi sila dahil sa bagyo, simula nang mawala sila napadpad ako rito sa laguna at nakipag sapalaran sa hamon ng buhay” nakangiting sambit ng matanda at nag simula nang magpa apoy sa kalan.
Sinubukan ni Ivory na tulungan ang matanda pero hindi nito pinayagan ang dalaga.
“Para po palang ako lola, pero wala po akong asawa at anak” sagot ni Ivory, tumingin ang matanda sakanya.
“Bakit ka rito sa laguna napunta?” nagtatakhang tanong nito kay Ivory.
“Ah, hinulaan po kasi ako nung matanda sa may bus stop, binigay ko po kasi ang bike ko roon sa asawa niya, bilang kapalit daw po ay ipapa hula po niya ako sakanyang asawa, at base po sa naging hula, nandito raw po sa laguna ang magiging swerte ko.” sagot ni Ivory.
“Ilang oras na tayong nag uusap hija, pero hindi ko pa alam ang pangalan mo." Nakangiting sambit ng matanda.
“Ay oo nga po pala, nakalimutan ko. Ivory po lola” nakangiting sambit ni Ivory.
“Ako si Linda” sagot ng matanda, tumango si Ivory.
“Anong apelyido mo, hija?” tanong ni lola Linda kay Ivory.
“Rossini po lola, Ivory Rossini.” sambit ni Ivory, sandaling napa tigil si lola Linda sa pag paypay ng apoy, pero agaran din namang bumalik sa pag papa baga ng apoy sa may kalan.
“Bakit po lola?” tanong ni Ivory sa matanda.
“Wala naman hija, parang pamilyar ang apelyido mo, pero hindi ko alam kung saan ko narinig” sagot ni lola Linda.
“Ah baka po ibang tao yon sila” sagot ni Ivory.
“Alam mo ba saan lumaki ang mga magulang mo?” tanong ni lola Linda kay Ivory.
“Si mama mo sa batanes, si papa po hindi ko po alam eh, ang alam ko po ay may lahi siyang espanyol” sambit ni Ivory.
“Wala ka bang naabutan sa mga kamag anak ng tatay mo?” tanong ni lola Linda sa dalaga.
“Wala po eh lola, nagka isip po ako si mama at papa nalang po ang kasama ko, wala naman po silang nabanggit sa'kin na may iba pong kamag anak si papa” sambit ni Ivory, tumango si lola Linda.
“Sabi mo kanina ay hinulaan ka ng matanda sa may sakayan ng bus, naniniwala ka ba sakanya hija?” tanong ni lola Linda kay Ivory.
“Fifty fifty po lola eh, parang kinuha ko nalang din pong sign yung sinabi niyang lugar dahil hindi ko rin po alam kung saan ako pupunta. Wala na rin naman po akong kamag anak na pwedeng hingan ng tulong, kaya po rito na ako pumunta” sagot ni Ivory.
“Kain na tayo?” tanong ni lola Linda, tumango si Ivory at kumuna ng dalawang pinggan at dalawang sandok.
Nag simula na silang kumain, unang subo palang ni Ivory ay parang ibinalik siya sa panahong buhay pa ang mga magulang niya.
“Ang sarap lola!” masayang sambit ni Ivory.
“Masaya akong nagustuhan mo, apo.” nakangiting sambit ni lola Linda. Masayang kumain si Ivory sa gabing iyon.