Xander's Point of View Minulat ko ang mga mata ko pero wala akong nakitang tao o marinig man lang na ingay sa paligid. Ang tanging alam ko lang ay nasa gitna ako ang ng kadiliman. Nilibot ko ang paningin ko at maya-maya may narinig akong yabag ng mga paa. Nagulat ako nang kasunod ng mga yabag na yun ay tatlong sunod-sunod na pagputok ng baril. "Kuya Xander!" "Kuya Xander!" Pinipilit ko ang sarili kong sumigaw at abutin siya pero hindi ko magawa-gawa. "Tulungan mo ako kuya!" Namalayan ko na lang bumagsak na lang siya sa sahig na duguan ang ulo. *baaaaannnggg* Pinipilit kong kilalanin kung sino ang lalaking yun pero hindi ko maaninag ang mukha niya. Basta ang alam ko lang may peklat siya sa kaliwang pisngi niya. *** Ang sunod na nangyari ay nakita ko sila na nasa paligid ko haban

