Aouie's Point of View "Ma papasok po kayo?" tanong ko kay mama nang makita ko siya na naka-office attire. Linggong-linggo may pasok. So sipag ah! "Oo anak eh. Kailangan kasi tsaka masyadong busy si mama sa work kasi maraming papeles pa akong aasikasuhin." "Sayang naman ma. Yayain ko sana kayo pumunta sa mall. Gusto ko sana mamasyal. Nababagot na kasi ako dito eh." "Yayain mo na lang si kuya Sphade mo. Kayo na lang mamasyal para mas lalo mo pa siyang makilala. Diba?" "Ayoko nga. Yung kuya kong malademonyo yung ugali? Yayain kong mamasyal sa mall? Mas gugustuhin ko pang mag-isa na lang." ayoko nga siyang makasama. Magiging terror lang yung araw ko kapag nagkataon. Mapatay ko pa siya wala sa oras. Nabigla na lang ako nang may narinig akong boses mula sa likuran ko. Boses ng isang demony

