Sphade's Point of View: Matapos kong magstay sa coffee shop na tinatambayan ko noon lagi ay umuwi na rin ako agad dahil sigurado akong nandun na sa bahay si Aouie. Nakasanayan ko na rin siyang puntahan sa kwarto niya pagkagaling niyang school. Gusto ko rin kasing may kausap para na rin hindi mabored. Napansin ko agad ang kotseng sinasakyan ni Aouie pagkababa na pagkababa ko pa lang sa sarili kong kotse. Alam kong nandito na siya. Nagtungo muna ako sa kwarto ko para magbihis ng damit at agad na rin ako tumungo sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok at agad na akong pumasok. Naabutan ko siyang nakabulagta sa kama niya at suot suot niya pa rin yung uniform niya. Kakarating niya pa lang siguro? "How's your day?" naupo ako sa tabi niya at umupo rin naman siya. "Okay lang naman. Medyo nakakapa

