Aouie's Point of View: "Gusto ko sana yun maulit-next time." Napatameme ako nang marinig ko yun. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano? Imbes na magsalita sa sinabi niya, uminom na lang ako ulit ng tubig para mapawi ang pagkabigla sa dibdib ko. Nakita ko siyang ngumisi kaya di ko napigilang itapon sa kanya yung natitirang laman ng bottled water ko at agad na umalis dun sa cottage. "Utot mo!! Baliw!!" "Aouie!! Wait lang!! Joke lang naman yun eh! Kung ayaw mo huwag na lang natin ulitin yung ginawa natin kagabi!!" Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako sa buong paligid. Nasa amin na yung buong atensyon ng mga tao. May nakita pa akong mangilan ngilang nagbulungan. "F*ck yo* ka Kinley." tumakbo ako ng mabilis habang nakatakip ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Naiiyak a

