Aouie's Point of View: Pagkatapos na pagkatapos ng paguusap namin ni Juvia agad kaming nagtungo ni kuya Sphade sa airport. Hindi ko alam sa sarili ko pero parang maya't-maya lang parang babagsak na yung luha ko. Nang makarating kami sa airport agad kong nilibot ang paningin ko sa buong paligid. Alam kong maliit lang ang posibilidad na mahanap ko siya dahil sa dami ng tao sa buong airport. Pero hindi pa rin ako nagpatinag sa paghahanap. Naisipan kong tawagan siya para malaman ko kung nasaan siya ngayon. Pero nakapatay yung phone niya. And that makes me cry. Niyakap ako ni kuya Sphade para patahanin. Alam kong concern siya sa akin dahil marami na akong dinadalang problema ngayon. "Stop crying na Aouie. Kahit hindi ko kilala kung sino yang iniiyakan mo, nandito pa rin ako lagi sa tabi mo

