EPISODE 20

3013 Words

Nakatayo sa tapat ng bintana si Christine. Pinapanuod niya ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas na galing sa tila nagagalit na makulimlim na kalangitan at bumabasa sa malaking bahagi ng lupa. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Christine. Hindi maitatanggi sa kanyang mga mata na gustong-gusto niya na pinapanuod ang ulan. Tumingin sa malayo si Christine. Napunta siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwing pinapanuod ni Christine ang ulan, naaalala niya ang lalong pag-usbong ng damdamin niya para kay Matthew. Nasa labas ng bahay ampunan si Christine. Nakasilong siya sa harapan at pinapanuod niya ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ngiting-ngiti siya at may nagtutulak sa kanya na magtampisaw siya sa ulan. Inilahad ni Christine sa ere ang kanyang kanang kamay. Nabasa iyon ng tubig ulan n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD