WAVES OF REGRETS EPISODE 37 THE OFFICE COUPLE SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Boyfriend ko na ulit si Maverick, and it’s official! Pero kahit nagkabalikan na kami ni Mave ay hindi pa rin namin pwedeng ipaalam sa iba na nagkabalikan kami. Sa trabaho ay boss pa rin ako at empleyado ko siya. Hindi ko naman pinipilit si Maverick na isapubliko na namin ang aming relasyon, makakapag hintay naman ako. Minsan ay hindi ko na talaga mapigilan ang pagiging malandi ko kay Maverick kaya pinapatawag ko siya kay Lie na secretary ko at pinapapunta rito sa aking opisina kahit wala namang problema sa kanyang trabaho. Gusto ko lang lambingin si Maverick at na mi-miss ko kaagad siya. Pinayagan niya na rin ako na sa kanyang bahay ako tumuloy. Umuuwi naman ako sa unit ko kapag weekend dahil kailan

