WAVES OF REGRETS EPISODE 59 CUDDLE SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Nagising ako nang may parang kumikiliti sa aking mga paa at nang mapatingin ako rito at nakita ko si Maverick na kinikiliti nga ako roon. Tinignan ko siya ng masama at hinay-hinay na napaupo at napasandal sa headboard ng aking kama. Nakita ko ang aking sarili na may suot na akong white tshirt at sinuotan niya na rin ako ng aking bra at panty. “Mave, ang sakit ng ulo ko,” mahina kong sabi at napahawak sa aking ulo na parang pinukpok ng ilang beses. Tumayo siya at may kinuhang isang gamot at basong tubig sa may lamesa. Humakbang siya papalapit sa akin at binigay ito sa akin. Ininom ko ito at muling napapikit sa aking mga mata at pinakalma ang aking sarili. “Bakit ka kasi uminom nang uminom kagabi,” rinig kong sabi ni Mave

