WAVES OF REGRETS EPISODE 56 GENEROSO ISLAND SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Limang araw kami sa Generoso Island. Na settled na rin lahat at pag alis na lang namin ang kulang. Okay na ang flight namin papunta doon sa probinsya namin at ang mga van na sasakyan ng mga empleyado ko. Buong linggo ay iyon ang inasikaso naming dalawa ni Lie at buti na lang at natapos na rin namin ito ng maaga at wala namang problema. Ngayon ay ang aming byahe papunta sa aming probinsya sa Governor Generoso. Nandito pa kami sa kompanya at nag he-head count pa sila. Para hindi magulo ang pag alis namin ay by department ang iba’t ibang team. Ang kanilang team leaders din ang reponsable sa head counts sa mga concerns ng kanilang members para hindi magulo ang aming byahe papunta sa probinsya. Habang na

