SPECIAL EPISODE MAVERICK SANTIAGO MAVERICK SANTIAGO’S POINT OF VIEW. “Rick, ano? Nagustuhan ba ni Sabrina ang binigay mong regalo sa kanya?” Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang kaibigan kong si Sebastian Aki na malaki ang ngiti habang hinihintay akong sagutin ang kanyang tanong. Malungkot akong ngumiti at napatingin sa regalo ko sana kay Sabrina ngunit hindi niya ito tinanggap at nagalit din siya sa akin. Birthday ngayon ni Sabrina kaya nag ipon talaga ako para may mabili ako na magandang regalo para sa kanya, pero sa kasamaang palad ay hindi niya ito tinanggap at galit na naman siya sa akin. “Hindi niya tinanggap?!” hindi makapaniwala na tanong ni Baste at umupo siya sa aking tabi. Umiling ako at humarap sa kanya. Muli akong ngumiti sa aking kaibigan upang maip

