Iwinaksi ni Rainier ang nasa isip at bumalik sa dati ang ekspresyon nito. "Meron na ba kayong matutuluyan? Mabuti pa, dito na kayo tumuloy."
Dagling tumanggi si aldrin "Huwag na! Nakakahiya naman sa inyong mag-asawa. Meron namang ipapahiram na bakanteng kubo si ka damian sa 'min e. Ayos na 'yun."
Bahagyang tumawa ei Rainer. "Baka ang kubong sinasabi n'yo ay 'yung kubong malapit sa may ilog na puro butas na ang bubong at dingding. Alam n'yo bang kapag umulan nang malakas lakas ay mabilis tumaas ang tubig doon sa ilog? Baka pag gising n'yo nakalutang na kayo."
Nagkatinginan ang apat. Naalala nila na binanggit nga ni ka damian ang problema ng kubo na ipapahiram sa kanila malapit sa may ilog. Ngunit dahil nahihiya sila sa kagandahang loob ng matanda ay sinabi nilang ayos na iyon sa kanila. Hindi nila naisip na marami palang problema ang kubo.
"Kung ganu'n... " Pag aalangan ni Aldrin. Napatingin siya sa paligid ng bahay. Hindi niya alam kung kakasya sila sa maliit na kubong ito. "Meron pa kasi kaming kasamang tatlo pang lalaki e. Malamang hindi tayo magkakasya dito."
"Hindi problema 'yan. Ang mabuti pa, tawagin mo sila para makilala ko na rin."
Tinawag ni Aldrin sila ariel, tommy at mang jerry at ipinakilala kay rainer at cecil.
Ipinakita ni rainer ang kubong tutuluyan ng pito. Nagulat ang apat nang makitang ang kubong tutuluyan pala nila ay ang mga kubong nakita nila sa di-kalayuan. Meron lang itong sukat na 25 metro kuwadrado.
"Dito mo kami patutuluyin? Wala bang nakatira sa mga kubong 'yan?" Tanong ni lukas.
"Walang nakatira d'yan matagal na 'yang bakante." Sagot ni Rainier.
"Kanino ang mga kubong 'yan? Bakit walang nakatira?" Urirat ni markus.
"Sa 'min. Noon kasi, nang magkaroon ng bagyo, may mga nawalan ng bahay at dito namin sila pinatuloy. Inanod ng tubig 'yung mga bahay na nakatayo malapit sa may ilog, at 'yung bahay na naiwang nakatayo doon lang ang natira."
Nang araw na 'yon ay inayos nila aldrin ang kubong tutuluyan. Dumating si Randy ang runner ng nayon na may dalang kanin at ulam at sinabing ipinadala iyon ni ka damian. Pagkatapos ay mahigpit silang binilinan na huwag na huwag lalabas kapag gabi, ito ay ayon na rin sa patakaran dito sa nayon.
"Ang boring naman." Reklamo ni jake.
"Masarap pa naman sana'ng mag night walk trip." Buntong hininga ni lukas.
"Oo nga." Segunda naman nila Ariel at Tommy na mukhang mga nanghihinayang.
"Puwede bang itanong kung bakit bawal lumabas pag gabi?" Tanong ni markus.
Nag aalangang magsalita si Randy. "Ano kasi... Ang alam ko ay bawal pag usapan ang tungkol doon. Si ka damian na lang siguro ang tanungin n'yo."
Pagkatapos ay nagmadali nang umalis si Randy. Ngunit bago pa makalayo ay muli nitong binilinan sila Aldrin. "Basta, ha... 'yung sinabi ko, bawal lumabas sa gabi!" Sigaw nito habang lumalakad papalayo.
Lukas: "Bakit kaya, ano?"
Jake: "B-baka may aswang dito, hindi kaya?"
Mang jerry: "Mga ser, hindi kaya dahil maraming mga mababangis na hayop dito 'pag gabi?"
Markus: Aldrin, ano sa tingin mo ang dahilan?"
Aldrin: "Ewan ko. Guys, mas mabuti pa, sumunod na lang tayo. Alalahanin n'yo, nakikituloy lang tayo sa islang 'to. Kaya, kailangan makisama tayo."
Itinuloy na lang nila ang paglilinis at pag-aayos ng kubo. Hindi nila alam ay may taong nakatayo sa pinto na nakarinig ng pag uusap nila mula sa simula. May kakaibang kinang ang mga mata nito at hindi mawari ang iniisip.
Bale tatlo ang bakanteng kubo ni rainer. Nagdalawang grupo sila. Sa isang kubo ay magkakasama sila: Aldrin, markus, lukas, at jake. Sa isa naman ay sila Ariel, tommy at mang jerry.
Dahil hindi lumabas sa gabi ay maaagang nagsitulog ang pito. Ang iba sa kanila na hindi sanay matulog nang maaga ay paikot ikot lang sa higaan at madaling araw na nakatulog.
Dahil maaga silang natulog ay maaga ring nagising sila aldrin, markus, ariel, tommy, at mang jerry.
Umalis si aldrin para manghiram ng ilang gamit na kakailanganin sa pagluluto, habang si Ariel, tommy at mang jerry naman ay maghahanap ng mailuluto, kaya si Markus lang ang naiwan.
Nang magising si lukas at Jake ay magta tanghali na. Pupungas pungas pa ang mga ito nang bumangon para hanapin ang mga kasama.
Nakita nila sila Aldrin sa labas. Nakaupo ang mga ito sa Isang mahabang upuang kawayan, meron ding malaking lamesa doon na yari din sa kawayan. Magkatuwang sila markus at Aldrin sa pagpipili ng munggo. Si mang jerry naman ay may niluluto.
"O, gising na pala ang mga señorito a!" Bati ni markus. "Matulog pa kayo, maaga pa."
Lumapit si Jake at mahinang sinuntok si markus sa braso. "Bakit di n'yo kami ginising? Tanghali na pala."
Tumawa si markus. "Ang sarap ng tulog n'yo e, paano namin kayo gigisingin? Nakanganga pa nga kayo, e."
"May natira kaming almusal, baka nagugutom na kayo." Wika ni aldrin.
"Nasaan 'yung dalawa?" Tanong ni lukas.
"Isinama ni ka damian sa taniman nila. Pagkatapos nating mananghalian susunod tayo doon tapos, dalhan na rin natin ng tanghalian sila ariel at tommy." Ani Aldrin.
Nang makarating sa taniman ay nakita nilang nagbubungkal ng lupa sila ariel at tommy habang nakikipagkwentuhan ang mga ito sa ilang lalaki rin na naroon.
Ipinakilala ni ka damian ang mga apong lalaki kila aldrin. Sinabi rin niya na mula ngayon ay tutulong sila sa kanila sa kanilang taniman habang nakatigil ang mga ito sa kanilang nayon.
Wala namang naging reklamo si Aldrin. Ngunit nag aalala si lukas, Jake at markus na baka magsi itim sila.
Dahil sa maghapong pag gawa sa taniman, ay hindi na nagagawa pang mag isip nila Ariel, tommy, Lukas at jake na mag night walk sa gabi dahil sa pagod. matapos kumain ng hapunan, pagka pahinga ay natulog na ang mga ito.
Ito talaga ang gustong mangyari ni ka damian ang mapagod ang mga ito nang mawalan na nang gana ang mga itong lumabas sa gabi.
Dahil nag aalala siya na baka mabunyag ang malagim na sikreto ng maliit na islang ito na nangyayari lang sa tuwing sumasapit ang gabi.