ABALA sa paglilinis sa kanilang bahay si Thalia Thompson Parker. It's their third year wedding anniversary with her husband today and she wants everything to be perfect! Tatlong taon na silang kasal ni Radson Parker pero ni minsan ay hindi niya naramdaman na asawa siya nito.
She was forced to marry him. Dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang mga magulang. Ang totoo niya'n, si Amanda talaga na kapatid niya ang karelasyon ni Radson noon. Pero dahil gusto ni Amanda na pumasok sa modeling at kailangang matuloy ang kasal, si Thalia na nananahimik ang buhay ang ipinakasal sa binata. Para matuloy ang partnership ng pamilya nila sa pamilya ni Radson.
Radson came from a famous family in the country. Marami silang pag-aaring mall, hotel, condominium building at pharmaceutical sa buong bansa. He is a young tycoon billionaire. Lahat ng babae ay nagkakandarapa na makuha ito. Pero dahil si Amanda lang ang natatangi sa puso niya, walang ibang babaeng nakakakuha sa attention niya. Not even his wife– Thalia.
Magkaiba si Thalia at Amanda. Si Thalia, tahimik, simple at introvert person. Mas nais nitong nasa bahay lang. Mag-isa at hindi mahilig makisalamuha. Matalino din naman ang dalaga. Ang katunayan ay isa siyang famous novel author online, pero walang nakakaalam ng totoong pagkakakilanlan niya sa social media. Because she's hiding her identity to keep her privacy.
Samantala, ang nakababatang kapatid nito, si Amanda. Extrovert person ito. Gusto nitong supistikada palagi ang datingan niya. Maluho ang dalaga at mahilig sa mga party at bar. She has a lot of friends too. Revealing itong manamit at gusto nito, branded ang mga gamit. Kaya magkaibang magkaiba sila ni Thalia.
Hindi sila gano'n kayaman. Sakto lang kaya naman gano'n na lamang kagutom ang mga magulang nila na makipagsosyo sa pamilya Parker. At first, nagulat si Radson na ang ate ni Amanda ang nakasuot ng wedding gown sa araw ng kasal nila. Umaasa ito na susunod si Amanda sa kapatid nitong pumasok pero. . . natapos na ang seremonya ng kasal--walang Amanda ang nagpakita.
Napakalamig ni Radson kay Thalia. Na para lang itong hangin sa paningin niya. Nagdadala din siya ng iba't-ibang babae sa bahay nilang mag-asawa. Pero wala itong naririnig mula kay Thalia. Tatlong taon na rin ang pagsasama nila. Pero ni minsan, hindi sila nagkausap nang masinsinan. Ni hindi sila nagkakatitigan sa mga mata. Wala silang katulong sa bahay. Kaya si Thalia ang gumagawa sa lahat.
Sinisiguro ni Thalia na malinis palagi ang buong bahay. Naghahanda siya ng pagkain ni Radson sa umaga at hapunan. Pero hindi sila ni minsan nagkasabay na kumain. Pumapasok sa opisina nito sa kanilang pharmaceutical si Radson kaya maghapon itong wala sa bahay. Bagay na pabor kay Thalia dahil mag-isa lang siya sa bahay sa buong maghapon.
Matapos niyang gawin ang mga gawain sa bahay, malinisan ang buong bahay sa labas at loob, maglaba at makapagluto, tinututukan na ni Thalia ang pagsusulat online. Nakakulong siya sa silid niya at kaharap ang laptop niya.
Ni minsan ay hindi na-appreciate ni Radson ang mga ginagawa nito. Hindi rin ito nagpapahawak kay Thalia. Kaya kapag nakauwi na ito, halos magkulong na si Thalia sa silid niya. Saka lang ito lalabas at kakain ng hapunan kapag pumasok na si Radson sa silid niya.
Pero kahit napakalamig ni Radson dito, ginagawa niya pa rin ang tungkulin bilang house wife ni Radson. Hindi rin siya isinasama sa labas ni Radson. Kaya halos walang nakakaalam na siya ang asawa nito. Kahit sa mga family gathering ni Radson, hindi niya dinadala ang asawa niya.
Mas nanaisin pa nga nitong magdala ng ibang babae kaysa dalhin si Thalia na asawa niya. Hindi naman nagrereklamo si Thalia. Dahil sa araw pa lang ng kanilang kasal ay nilinaw na ni Radson sa kanya, na wala siyang maaasahan dito. Tanging sa papel lang siya magiging asawa ni Radson. Dahil hinding-hindi siya ituturing ni Radson na asawa at hinding-hindi siya pahahalagaan nito.
HAPON na nang matapos si Thalia sa pag-decorate ng dinning table na para sa kanila ni Radson. Ngayon niya lang ginawa ito sa nakalipas na tatlong taon nilang pagsasama. Gusto niya sanang makausap nang masinsinan si Radson at tatlong taon na rin naman silang nagsasama. Kaya naghanda siya ng dinner date para sa kanila sa balcony ng silid ni Radson.
Nilagyan niya ng white tablecloth ang mesa. Binalot niya nang maayos maging ang dalawang silya na magkaharap. May bulaklak ng red roses sa gitna ng mesa. Katabi ang romantic candle light na hindi niya pa sinisindihan. Nag-bake din siya ng chocolate cake na may cherries na toppings at naghanda ng red wine. Nagluto din ito ng beef steak at lasagna na paborito ni Radson para sa kanilang dinner.
Matapos maihanda ang lahat, nagtungo na siya sa silid niya. Hindi kasi sila nagtatabi ng asawa nito. May sarili siyang silid. Pero malaya naman siyang naglalabas pasok sa silid ni Radson. Para mapanatiling malinis iyon at maihanda palagi maski isusuot nitong brief sa pagpasok sa trabaho. Lahat ginagawa ni Thalia. Pinaglilingkuran niya ang asawang kasinglamig ng yelo ang pakitungo sa kanya. Dahil sa mga magulang niya. Dahil sa negosyo nila.
Mula pagkabata ay hawak sa leeg si Thalia ng mga magulang nila. Lahat ng kilos nito ay aprobado ng mga magulang. Na tila wala siyang kalayaan. Alam naman ni Thalia kung bakit gano'n ang trato ng mga magulang niya sa kanya. Because she's just adopted. Hirap na mabuntis noon ang ina nila kaya umampon sila ng baby. At iyon si Thalia. Pero nang nasa limang taon na ito, nabuntis ang ina niya at iyon si Amanda. Kaya naman kumpara kay Amanda, mas pinapaburan ng mga magulang nila ang bunso.
Dahil ito ay totoong anak nila, habang si Thalia? Ni hindi nila alam kung sino ang mga magulang. Ibinigay lang ito sa kanila ng isang nurse sa hospital kung saan naka-admit noon ang ina nila. Dahil iniwan daw ng ina nito ang bata at walang kumukuha. Hindi alam ng mga magulang nila na alam na ni Thalia ang tungkol sa pagkatao nito. Dahil narinig niya lang na nag-uusap ang mga magulang niya noon.
Hindi naman na nagtanong pa si Thalia sa mga ito. Dahil mula pagkabata, malaking katanungan na sa kanya kung bakit hindi pantay ang trato sa kanilang magkapatid. Maging si Amanda ay hindi rin magaan ang loob sa kanya. Pero kahit gano'n, she keep her mouth shut and acts like she didn't know everything.
Pagkatapos nitong makapagbihis, pinakatitigan na muna niya ang repleksyon sa salamin. Pilit na ngumiti sa kanyang sarili kahit kita sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. Dahil magmula nang maikasal siya kay Radson, naging mas masikip na ang mundo niya. She's not allowed to go out and hangout with her friends. Minsanan lang din siyang dumalaw sa kanilang bahay. Dahil hindi rin naman intresado ang mga magulang niya na makita siya. Ang nakababatang kapatid naman niyang si Amanda ay nasa Paris pa rin hanggang ngayon. Ini-enjoy ang career nito bilang isang modelo.
She's wearing plain white dress above the knee. Round neck iyon na abot hanggang siko niya ang manggas. Wala din siyang makeup dahil nasa bahay lang naman siya. Isa pa, kahit hindi ito mag-makeup ay litaw pa rin naman kung gaano siya kaganda. Lalo na't natural ang matangos niyang ilong at lahat sa kanya. Pero masyadong bulag si Radson para mapansin kung gaano kaganda ng napangasawa niya. Na tripleng mas higit pa ang ganda at ka-sexy-han kumpara kay Amanda.
Matapos mag-spray ng favorite perfume nito ay lumabas na ng silid si Thalia. Umupo sa sofa at hinintay ang pagdating ng asawa niya. Usually, alassais ng gabi ay nandidito na si Radson. Kaya naman maaga itong naghahanda ng hapunan. Para pagdating ni Radson, may pagkain ng nakahain sa mesa.
Napapalapat ito ng labi. Kabado dahil ito ang unang beses na kakausapin niya ang asawa niya. Gusto rin sana niyang magpaalam dito dahil may two days signing siyang a-attend-an next week dahil kasama ang dalawang published book niya na naging best selling sa pub house kaya may invitation ito at tinanggap niya iyon.
Hindi kasi ito makakauwi dahil may kalayuan ang signing event nila sa bahay nila ni Radson. Kaya kailangan niyang magpaalam dito dahil walang maghahanda ng mga gamit nito sa pagpasok sa trabaho at magluluto ng agahan at hapunan niya.
Napatayo ito ng unti-unti nang nagiging madilim sa labas. Napasulyap siya sa wall clock nila at alassais na. Napahalukipkip ito. Napapapilantik ang daliri na marahang palakad-lakad sa sala. Hinihintay ang pagdating ng sasakyan ni Radson. May guard naman sila sa gate. Kaya hindi niya kailangang lumabas para pagbuksan ng gate ang asawa niya.
Napahinga siya ng malalim na bagsak ang balikat na naupo sa sofa. Lumamlam ang mga mata na napasulyap sa wall clock nila. It's already eight o'clock in the evening. Nangangalay na rin ang mga binti niya pero walang Radson ang dumating.
Ilang minuto pa siyang naghintay sa sofa. Pero inabot na siya ng ilang oras ay wala pa ring Radson ang dumating. Tumayo na ito at nagpasyang magpahinga na. Hindi na rin niya maramdaman ang gutom at nalipasan na siya sa kakahintay sa asawa niya.
Kumuha ito ng pantulog, manipis na pajama at long sleeve na nagtungo sa banyo at nagbihis na. Mapait na napangiti na napatitig sa salamin. Awa ang nakalarawan sa kanyang mga mata habang nakatitig sa repleksyon. Hindi niya alam kung sinadya ni Radson na hindi umuwi ngayon at anniversary nila. O may mas mahalaga itong inasikaso kaysa ang alalahaning anniversary nila ngayon at may asawa itong naghihintay sa bahay.
Pahiga na si Thalia sa kama nito nang mapansin ang cellphone niyang umilaw ang screen. Na-curious ito at tila may nag-uudyok sa kanya na damputin iyon. Naupo siya na sumandal sa headboard ng kama at inabot ang cellphone niya. Napalunok pa siya na biglang tinambol ng kaba ang dibdib!
Napapikit siya, humingang malalim at kinalma na muna ang sarili. Bago dahan-dahang nagdilat ng mga mata at damang mas kalmado na nga ang pagtibok ng puso niya. Nangangatal pa ang daliri niya na ini-swipe ang unlock ng screen nito at napalunok na makitang mula kay Amanda ang message na natanggap.
Nakagat nito ang ibabang labi. Ini-click ang ini-send na video sa kanya ni Amanda. Nangatal ang buong katawan niya nang mag-play ang video! It was Amanda and her husband having passionate s*x in the bed!
Nangilabot ang katawan ni Thalia na nanigas sa kinauupuan. Nakatulala sa cellphone nito at parang kutsilyong tumatarak sa kanyang puso ang bawat ungol at halinghing ng dalawa na sarap na sarap sa kanilang ginagawa! Nakalarawan sa gwapong mukha ng kanyang asawa kung gaano ito kasaya at kung gaano ito nasasarapan habang malakas at madiin na binabayo ang nakababatang kapatid niya.
Hindi na bago sa kanya na nambababae si Radson. Dahil nagdadala pa nga ito ng babae sa bahay nila mismo. At walang pakialam kahit makita sila ni Thalia na nagsi-s*x ng kasama nito. Sa sala man, sa silid o kahit sa kusina nila. Pero lahat ng iyon ay balewala kay Thalia. Dahil alam niyang init lang ng katawan ang dahilan kaya may ka-s*x ang asawa niya. Dahil hindi niya iyon naipagkakaloob at wala din namang interes si Radson na ikama siya. Kahit nga ang halikan siya ay hindi pa nila nagagawa.
Pero iba ngayon. Iba si Amanda sa mga nakaka-fling nito. Dahil kahit hindi niya ito kadugo ay nakababatang kapatid pa rin ang turing niya dito. Idagdag pang ito. . . ang babaeng nagmamay-ari sa puso ng asawa niya. At siya? Nasa papel lang ang karapatan niya kay Radson. She is the wife. But she has no place in her own husband's heart.