MASAYANG naidaos ang welcome party para kay Thalia sa mansion ng mga Robinson. Nagulat ang lahat sa rebelasyon ng mag-asawang Robinson. Ipinaliwanag din nila kung paano nawalay si Thalia sa kanila. Kung saan pinalitan siya ng patay na sanggol noon kaya inakala nilang pamilya na wala na ang anak nilang babae. Until one day, after fifteen years, nagpakita ang nurse na siyang natatanging may alam sa katotohanan. Isiniwalat nito sa mag-asawang Robinson ang totoong nangyari sa kanilang anak. Kaya naman dali-daling kumilos ang pamilya Robinson para mahanap ang nawawala nilang anak-- si Thalia. Habang ikinukwento ng mag-asawang Robinson kung paano nawala ang anak nila, naka-live broadcast naman sila sa TV. Marami ang naantig. Naawa sa kanilang pinagdaanan at masaya para sa kanila na ngayon ay m

