NAGNGINGITNGIT ang mga ngipin ni Radson na lumabas ng gate at nilisan ang lugar. Ayaw niya pa sanang umalis pero sapilitan na siyang pinalabas ng mga guard nang pumasok na si Thalia sa loob ng bahay nito. Nagpupuyos ang loob nito. Pakiramdam niya ay muling natapakan ni Thalia ang ego niya na lumalabas na siya ang naghahabol sa kanilang dalawa ngayon! Idagdag pang hindi niya mapigilang matameme kanina sa asawa niya kung gaano ito kaganda at sexy!
“You can't do this to me, Thalia. Babalik at babalik ka sa poder ko, whether you like it or not. And this time, I'll make sure na hindi lang ang pagiging housewife mo ang ipagkakaloob mo sa akin kundi. . . lahat ng mga pangangailangan ko bilang asawa mo, ibibigay mo. I am not Radson Parker for nothing,” usal nito na nagngingitngit ang mga ngipin habang mabilis na nagmamaneho.
Tumuloy ito sa Bar na malapit. It's too early for him to come home. Lalo na't wala din naman siyang maaabutan sa bahay niya. Hindi katulad dati na palaging malinis ang bahay na madadatnan niya. May masarap siyang hapunan na naghihintay at higit sa lahat? Nandoon ang asawa niya. Patiently waiting for him to come home.
Naiinis ito dahil sa pag-alis ni Thalia sa poder niya, two months ago, bigla niyang na-realized kung gaano kalaki ang nagagawa ni Thalia sa buhay niya. At aminin man niya o hindi? Alam niya sa sarili na hinahanap hanap niya ang buhay na nakasanayanan niya. Kung saan may asawa siyang inaasikaso siya kahit hindi sila nagkikita at malimit lang din magkausap. Sa buong tatlong taon nilang pagsasama, ngayon niya lang nakausap nang may katagalan si Thalia. Ngayon niya lang narinig na manigaw ito at magalit. At aminado siya sa part na namis niyang makita ito at marinig ang malambing nitong boses. Kahit na ibang-iba na ang itsura ng asawa niya ngayon na parang hindi na ito ang kanyang asawang tahimik, simple at plain tignan.
Pagpasok nito sa Bar, tumuloy ito sa gawi ng counter at naupo sa isang high chair doon. Kaagad siyang um-order ng shot nito sa bartender. Pagkalapag sa countertop ng shot niya ay kaagad niya iyong inabot at tinungga. Nalukot pa ang mukha nito na humagod ang init at pait ng alak sa kanyang lalamunan. Napatikhim ito na sinenyasan ang bartender na bigyan siya ulit.
“What exactly do you want, Thalia? Are you doing this because you want my attention? Or you're doing this. . . because you really want to get out of my life,” aniya na napasimsim sa shot niya at naiisip ang asawa niya.
Akala niya ay simpleng pagtatampo lang kaya nag-iinarte ang asawa niya. Na gusto lang nitong suyuin niya ito dahil hindi siya nakauwi noong gabi ng anniversary nila at naghanda ito ng dinner para sa kanilang dalawa. But he was wrong. Kitang-kita niya sa mga mata ni Thalia kanina kung gaano ito kadeterminado na maghiwalay sila. At sa nakikita niya, kayang-kaya nga nitong tumayo sa sarili nitong mga paa.
Napailing ito na napababa ng tingin sa shot niya. Napapaisip kung paano nakabili ng villa si Thalia sa isang exclusive subdivision! Alam niyang million din ang halaga ng mga villa sa subdivision na iyon. Kaya nagtataka ito kung saan kumuha ng pera ang asawa niya. Nakatitiyak naman siyang hindi kumukupit si Thalia sa kanya sa kanilang pagsasama. Dahil naka-manage kung magkano lang ang ginagamit nitong pera sa card na ibinigay nito. Sa groceries at bills lang nila sa bahay ginagamit ni Thalia ang pera niya. Ni hindi ito ni minsan nag-shopping ng para sa sarili niya. Kaya imposibleng sa pera niya nanggaling ang ipinambili ni Thalia ng villa nito.
Nagiging palaisipan na tuloy sa kanya ang katauhan ni Thalia. Akala niya ay isa itong mahinang babae na takot sa mga magulang at walang kapera-pera. But he was wrong. Alam niya, dama niya, may malaking sikretong nagkukubli sa katauhan ni Thalia. Gusto niyang isipin na may lalake si Thalia at iyon ang nagbigay ng villa sa kanya. Pero sa pagkakakilala niya dito, hindi gano'ng uri ng babae si Thalia. Ni minsan nga ay hindi ito nagpakita ng motibo o naglakas loob na kalabitin siya kahit mag-asawa sila e. Kaya nakatitiyak siyang hindi galing sa lalake ang perang ipinambili niya ng villa niya kundi. . . may sarili itong pera.
Napailing ito na inubos ang laman ng shot niya at muling nagpasalin sa bartender. Magiliw namang pinauunlakan ng bartender si Radson. Dahil regular costumer nila ito at nakikilala niya kung sino ang binata. Alam niyang big-time ito kaya magiliw nilang inaasikaso sa Bar. Napadila ito sa ibabang labi na naglalaro sa imahinasyon ang itsura ng asawa niya kanina. Kung gaano kaperpekto ang hubog ng pangangatawan nito. Sa suot nito kanina ay isang malaking sampal sa kanya kung gaano kaganda at ka-sexy ang asawang binabalewala niya sa nakalipas na tatlong taon.
Kung hindi pa ito umalis sa poder niya at nakikipaghiwalay? Hindi niya pa mapapansin ang halaga nito at ang tunay nitong ganda. Now he understand his parents. Kung bakit gandang ganda sila kay Thalia--especially his mom at ito ang gusto nilang mapangasawa niya at hindi si Amanda. Siguro ay masyado lang siyang naging bulag bulagan noon na hindi napapansin ang asawa niya. Dahil sanay ito na supistikada at sexy manamit ang mga babaeng nakakasalamuha niya.
Napahigpit ang hawak niya sa baso na naiisip ang asawa niya. Kung gaano ito kagalit kanina na mapag-alaman niyang hindi pa napapawalangbisa ang kasal nila. Inis ang lumarawan sa mga mata ni Thalia kanina nang sabihin nitong kasal pa rin sila. Na tila nandidiri ito at atat na atat na makalaya sa kasal nila. May punto din naman ito. Matatalo siya sa korte kapag ipaabot pa ni Thalia sa korte ang tungkol sa paghihiwalay nila.
Tiyak na ilalabas niya kung gaano siya kawalang kwentang asawa sa nakalipas na tatlong taon. Habang siya? Wala siyang maipupuna kay Thalia. Dahil pinaglilingkuran siya nito at ginagawa ang tungkulin bilang housewife. Maliban sa parte na hindi sila nagtatabi sa kama at hindi niya ito ginagalaw. Dahil siya rin naman ang may kagustuhan no'n. Hindi niya pinatuloy si Thalia sa kanyang silid at nilinaw dito na hinding-hindi niya ito ituturing na asawa. Na hanggang papel lang ang pagiging legal wife nito sa kanya. Dahil hinding-hindi niya ito kailanman ituturing na asawa niya.
Sa uri ng pananalita ni Thalia kanina sa kanya ay dama niyang may maipagmamalaki ang asawa niya. Na nakahanda pa nga itong bayaran ang oras na igugugol niya sa pagpirma sa kanilang annulment. At first, gusto niya ring pirmahan iyon para makalaya na silang dalawa sa kasal nila. Pero unti-unting nagbago ang lahat nang mawala ito sa poder niya. Dahil aminin niya man o hindi, nasanay na siya na nasa tabi ang asawa niya.
“Damnit. You are my wife. But I didn't even know who you are.” Usal nito na hindi namamalayan na napaparami na siya ng naiinom.
Ilang minuto pa siyang umiinom sa gawi ng counter nang may lumapit sa kanyang sexy at magandang babae. Sa revealing ng suot nitong top at miniskirt ay halos makita na ang singit nito at lumuwa ang dibdib na pilit itinatayo ng pushup bra nito. Matamis itong ngumiti na lumapit kay Radson at napaakbay ditong ikinalingon ni Radson sa kanya at nangunotnoo.
“Hi, handsome. Are you alone tonight? Do you want to enjoy the night with me?” malanding bulong nito sa punong-tainga ni Radson.
Napangisi ito. Napahagod ng tingin sa babae na matamis na nakangiti sa kanya. Napailing ito na mahinang natawa.
“Who do you think you are, b***h? Ni wala ka nga sa kalahati ng kagandahan at ka-sexy-han ng asawa ko e. Aayahin mo akong ikama ka?” nakangising pang-uuyam nito sa dalaga na unti-unting napalis ang matamis na ngiti.
“W-what?” utal nitong tanong na kitang napahiya at may mga nakarinig sa tinuran ni Radson sa kanya.
“Tsk. Umalis ka nga sa harapan ko,” ingos ni Radson na pabalang inalis ang kamay nitong nakapulupot sa batok niya at saka tinungga ang shot nito.
Napahiya naman ang dalaga na nagdadabog umalis sa harapan nito. Namumukhaan kasi nila si Radson at alam nilang big-time ito. Pero hindi niya alam na may pagkasuplado pala ito. Naiiling namang inubos ni Radson ang shot niya at saka iniabot sa bartender ang kanyang card. Matapos mabayaran ang mga nainom niya, lumabas na rin ito ng Bar. Kung dati ay nakikipag-fling siya sa mga matitipuhan niya? Iba na ngayon. Dahil nawalan na siya ng gana sa mga babae sa paligid niya. Lalo na't alam naman niyang mga kaladkaring babae ang mga ito na kung sino-sinong lalake na ang nakatikim sa kanilang putahe.
KINABUKASAN ay nagpupuyos ang loob nito na may dala na naman ang assistant niya na annulment agreement na ipinadala ng lawyer ni Thalia. Katulad noong una, pirmado na ni Thalia iyon. Napapikit ito na napahilot sa sentido. Sumasakit na nga ang ulo niya sa dami ng trabaho niya, idagdag pang puyat siya at may hangover. Pero heto at dumagdag na naman ang pesteng annulment nila!
“Sir, pinapasabi po ng dating asawa niyo na pirmahan niyo na iyan ngayong araw. Dahil kung magmamatigas daw po kayo, dadalhin na niya sa korte ang tungkol dito,” nakayukong saad ng assistant niya na bakas ang takot sa tono nito.
“Dating asawa? She's still my wife, Edmond. So don't call her that way. You understand?” pagalit nito sa assistant niya na tumango-tango.
“Opo, sir. Pasensiya na po.” Magalang paumanhin nito.
“Get out,” aniya pa na ikinatalima ng assistant niya at iniwan itong mag-isa.
Napasandal siya sa kanyang swivel chair. Napapikit na napapapilantik ng daliri. Alam niyang hindi nagbibiro si Thalia na dalhin sa korte ang apila nito sa pakikipaghiwalay sa kanya. Pero kung ibibigay nito ang nais ni Thalia, sa isang iglap ay mawawalan ng bisa ang kapirasong papel na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Idagdag pang posible siyang mapatalsik sa posisyon bilang CEO sa kanilang kumpanya. Dahil ang rason lang naman kaya siya naroon sa pwestong iyon at ipinagkatiwala ng magulang niya ang posisyong iyon, ay dahil pinakasalan niya si Thalia.
Galit na galit na nga ang mga ito na hindi niya dinadala ang asawa niya sa mga family gathering nila. Ni wala siyang kaalam-alam sa mga hobby ni Thalia. Maging kung ano ang mga gusto at ayaw nitong pagkain at bulaklak. Kaya wala siyang idea kung paano suyuin ito at baka sakaling magbago pa ang isipan ni Thalia.
Napangisi ito na may sumagi sa isipan. Inabot niya ang cellphone na nakalapag sa mesa at saka tinawagan ang number ni Thalia. Napasandal siya ng likuran na inilapat sa tainga ang cellphone nito. Dinig naman niyang nagri-ring ang cellphone ni Thalia sa kabilang linya. Ilang segundo pa ay sumagot din ito.
“What?” masungit nitong bungad sa kanyang tawag.
“What's this, huh? I'm too busy today to sign these fvcking papers, Thalia!” mahina pero may kadiinang asik nito na kunwari'y nagsusungit.
“C'mon, Radson! You only have ten seconds to sign those papers. Bakit ba hirap na hirap kang pirmahan ang mga iyan, huh?” inis na sikmat din ni Thalia dito na napangisi.
“You really want me to sign those papers, huh?” aniya na ikinalunok ng asawa nito. “Let's have a lunch together, my dear wife. Meet me at Arellano’s restaurant. Bring your own pen, hmm?” nakangising saad nito na ibinaba na ang linya.
Tumayo ito na inabot ang coat at isinuot iyon. Inabot niya ang cellphone at car keys niya na pasipol-sipol na lumabas ng opisina. Tumuloy ito sa elevator na bumaba sa parking lot. Napapangisi pa siya sa kaisipan na walang nagawa si Thalia sa kanyang paanyaya na kumain sila sa labas. It was the first time na kakain sila sa labas na magkasama. Tatlong taon niya itong naging asawa pero ni minsan, hindi niya manlang nadala si Thalia kahit sa karinderya manlang.
Pagdating nito sa restaurant, kaagad siyang sinalubong ng manager at inasikaso. Iginiya siya nito sa mesa sa sulok kung saan walang masyadong tao na malapit sa kanila. Napangiti ito na naupo sa silya at tinanguhan ang manager na mamaya pa siya oorder ng pagkain. Nakamata ito sa entrance ng restaurant. Inaabangan ang pagdating ng kanyang asawa. Hindi naman nagtagal, dumating din ang hinihintay nito.
Napangisi ito na nagtaas ng kamay kay Thalia nang mapalinga ito sa mga taong naroon. Nalingunan naman siya ni Thalia na naniningkit pa ang mga matang nagtungo sa gawi niya. Lihim itong napangiti na nakamata sa asawa nito. Agaw attention kasi ito sa mga taong naroon. Napapaawang ang labi ng mga kalalakihan at bakas ang kamanghaan sa mga mata nila na nakamata sa dalagang parang anghel na bumaba sa lupa ang tindig at postura sa suot na sleeveless white dress na hapit sa kurbada ng katawan nito.
Pabalang itong naupo sa harapan ni Radson na pangisi-ngisi sa kanya. Naiinis pa rin ito na makaharap ngayon sa tanghalian si Radson. Bagay na ngayon pa lamang nila mararanasan. Ang magsabay silang kakain. Sinenyasan naman ni Radson ang waiter na kaagad lumapit at iniabot sa kanila ang menu.
Matapos maka-order, muli silang iniwan ng waiter. Bumaling ito kay Radson na blangko ang expression. Sinalubong naman ni Radson ang mga mata nito at nagawa pang ngumiti na tila maayos silang dalawa.
"Sign our annulment now," mahina pero madiing saad ni Thalia na inilapag ang pen nito sa mesa.
Ngumisi naman ito na inabot ang pen at isinilid sa bulsa ng coat nito.
"Let's eat first, wife." Anito na ikinaigting ng panga ni Thalia at lumarawan ang inis sa magandang mukha nito.
"Don't waste my time, Radson. Siguraduhin mong pipirmahan mo na ngayon ang annulment natin," pagbabanta pa nito na napatuwid ng upo at dumating na ang kanilang order at inirapan ang asawa.
Napangiti lang naman si Radson na nagsimulang kumain kaharap ang asawa niya. Lihim na nagdidiwang na ngayon ay naranasan niyang makasabay itong kumain na hindi niya naranasan dati sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama.